Wastong paggamit ng Gitling (-)
Ang gitling o hypen sa Ingles ay isa sa mga bantas na madalas na ginagamit sa pagsulat ng mga salita upang mag-bigay ng bagong kahulugan. Ang sumusunod ay ang mga pagkakataon na ginagamit ang gitling:
A. Pag-uulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.
Halimbawa
A.1. Mga salita na ginagamitan ng gitling
isa-isa
sabi-sabi
dala-dalawa
sari-sari
balu-baluktot
A.2. Mga pangungusap na mayroong salita o mga salita na ginagamitan ng gitling.
1. Masayang-masaya si Loubelle sa kaniyang kaarawan.
2. Si Marites ay araw-araw na bumibili ng gulay sa palengke.
3. Kilala ang pito-pito na gamot na herbal na binibenta sa bangketa.
4. Pulang-pula nanaman ang labi ng Alicia nang lumabas siya sa bahay.
5. Sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento ni Mabuti?
B. Ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na kapag hindi gagamitan ng gitling ay magkakaroon ng ibang kahulugan.
Halimbawa
B.1. Mga salita na ginagamitan ng gitling
may-ari
tag-init
pag-inom
mag-alis
nag-isa
B.2. Mga pangungusap na mayroong salita o mga salita na ginagamitan ng gitling
1. Walang hanggan ang pasasalamat ng mga anak sa pag-aruga ng kanilang ina.
2. Mauuso nanaman ang pagkaing malalamig sa panahon ng tag-araw.
3. Si Seth ang nag-ulat ng aralin sa Filipino.
4. Nakita ko ang mag-asawang Lopez sa plaza kanina.
5. Hinabilin ng tatay ang susi sa kaniyang pag-alis.
C. Kapag may katagang inalis sa pagitan ng dalawang magkaibang salita na pinagsama.
Halimbawa
C.1. Mga salita na ginagamitan ng gitling
Lakad at takbo = lakad-takbo
Humigit at kumulang = humigit-kumulang
Pamatay ng insekto = pamatay-insekto
Bahay na aliwan = bahay-aliwan
Dalagang tagabukid = dalagang-bukid
C.2. Mga pangungusap na mayroong salita o mga salita na ginagamitan ng gitling
1. Lakad-takbo ang ginawa ni Jerry upang maabutan ang bus na sinakyan ni Cayenne.
2. Mabisang pamatay-insekto ang mga produkto ng Baygon.
3. Ipinapalagay na humigit-kumulang 1000 ang mga dumalo sa libing ng dating mayor ng Buenavista.
4. Mas mainam na panggatong sa pagluluto ang kahoy-gubat.
5. Ipinasara ng lokal na pamahalaan ang mga bahay-aliwan malapit sa mga paaralan.
D. Kapag ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan, saigsag o simbolo ay may unlapi. Hindi mababago ang baybay ng tanging ngalan ngunit kadalasang dinagdagan ito ng salitang mag o taga.
D.1. Mga salita na ginagamitan ng gitling
mag-MRT
mag-Ponds
mag-Saudi
taga-Iloilo
taga-Manila
D.2. Mga pangungusap na mayroong salita o mga salita na ginagamitan ng gitling
1. Ang kaibigan ni Alexia ay taga-Baler.
2. Sinabihan ni Princess na mag-Olay si Edna para mawala ang kaniyang mga tigyawat.
3. Mag-tataxi na lang ako pauwi sa bahay.
4. Isa sa mga Core Values ng DepEd ay Maka-Diyos.
5. Taga-Cebu ang bagong titira sa bahay nina Gng. Reyes.
F. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa bilang.
D.1. Mga salita na ginagamitan ng gitling
Ika-apat ng hapon
Ika-31 ng Disyembre
Ika-10 edisyon
Ika-25 na anibersaryo
Ika-13 na kabanata
D.2. Mga pangungusap na mayroong salita o mga salita na ginagamitan ng gitling
1. Natapos ang pagpupulong sa ganap na ika-tatlo ng hapon.
2. Sa ika-22 ng Nobyembre ang kaarawan ni Cristina.
3. Ipagdiriwang nina Maria at Rome ang kanilang ika-5 taong anibersaryo ng kasal.
4. Ang palabas ay magsisimula sa ika-10 ng umaga.
5. Isa sa mga paborito kong aklat ay ang ika-5 edisyon ng Ang Kasaysayan ng Daigdig ni Teodoro Agoncillo.
Sanggunian: Antonio, E. et.al. 2015. “Kayamanan 4: batayan at kagamitang pampagturo sa Filipino.”