ANONG GAMIT NG TANDANG PANANONG, TANDANG PADAMDAM, KUWIT, AT TULDOK

Cristina Daigo
is a Teacher in the Philippines

Wastong paggamit ng Tandang Pananong, Tandang Padamdam, Kuwit, at Tuldok

Ang tandang pananong (?) o question mark sa Ingles at tandang padamdam o exclamation point sa Ingles ay ang mga bantas na tumulong upang maiparamdam sa babasa ng pahayag ng isang masidhing damdamin. Ang tuldok (.) o period sa Ingles ay naman ang bantas na naghihiwalay sa mga paksang inilalahad sa isang pangungusap o pahayag.


A. Tandang pananong

Ang tandang pananong ay ginagamit sa mga sumusunod na pagkakataon:


A.1. Sa mga pangungusap o pahayag na patanong

Halimbawa

1. Bakit kailangan ko na sumunod sa pinag-uutos ninyo?

2. Ano pa ba ang dapat kong bilhin para sa pasko?

3. Paano ba lutuin ang sinigang na baboy?

4. Kailan uuwi ang nanay mo?

5. Sino ang nakaiwan ng payong sa labas ng silid-aklatan?


A.2. Sa loob ng panaklong upang maipahiwatig ang pagiging hindi sigurado ng nagsasalita sa pahayag o pangungusap.

Halimbawa

1. Sina George Washington, Theodore Roosevelt, Abraham Lincoln, at George Bush (?) ang mga president na makikita sa bundok ng Rushmoore.

2. Taong 1679 (?) ipinanganak si Gat. Jose Rizal.

3. Sa kasagsagan ng pamahalahaang komonwelt, si Carlos P. Garcia (?) ang naihalal na pangulo ng Pilipinas.

, 4. Binubuo ng 7,100 (?) na mga isla ang bansang Pilipinas.

5. Si Corazaon Aquino (?) ang kauna-unahang babae na naging presidente sa ating bansa.


B. Tandang padamdam

Ang tandang padamdam ay ginagamit sa hulihang bahagi ng isang pangungusap, parilala, pahayag o kataga na nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin.

Halimbawa

1. Mabuhay ang bagong kasal!

2. Naku! Nakalimutan ko ang aking pitaka sa bahay.

3. Aray ko! Natusok ako ng pako!

4. Maligayang pagdating sa aming bayan!

5. Haay naman! Ang dami laging utos.


C. Tuldok

Ang tuldok ang pinakamadalas na ginagamit na bantas sa mga sinusulat na pahayag o pangungusap. Ito ay ginagamit na pananda sa mga sumsunod na pagkakataon:


C.1. Sa katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at pautos

Halimbawa

1. Masarap na prutas ang ubas.

2. Ilagay sa dibdib ang inyon kaliwang palad habang inaawit ang Lupang Hinirang

3. Pakikuha naman ng mga projekto ng mga bata pagkatapos ninyong magmeryenda.

4. Kumain ka muna bago ka umalis.

5. Ang aking paboritong ulam ay adobo na manok.


C.2. Sa pangalan at salitang dinaglat.

Halimbawa

1. Isa sa mga paborito kong manunulat ay si Prof. M.C. Chua.

2. Si Gng. C. Gabo ay pinarangalan bilang isa sa pinakamahusay na guro ngayong taon.

3. Binubuo ng iba’t ibang mga kulay ang isang kahon ng krayola

4. Si J.K. Rowling ang sumulat ng mga aklat tungkol sa kuwento ni Harry Potter

5. Ang U.N. ay isang pandaigdigang samahan.


C.3. Sa mga titik o tambilang na ginagawang pamilang sa bawat hati ng isang balangkas o talaan.

Halimbawa

1. A.1.2

2. Paksa IV.



Sanggunian: Sta. Maria, A. et.al. 2008. “Makipagtalastasan tayo sa Filipino 2: wika at pagbasa.”





About the author

Cristina Daigo

Profession: Teacher
Philippines , Guimaras , n/a

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.