Malapit na ang bagong taon 2017. May panibagong pagasa na naman ang lahat sa isang magandang kinabukasan.
Narito ang iilan sa mga pwedeng gawin sa bisperas ng bagong taon para lalo’t ma-enjoy ang okasyon.
1. Uminom ng wine o cocktail – pwedeng paghaluan ang juice at alak para masarap. Maraming recipe ang makikita sa internet. Pwede ka rin magimbento ng sarili mong drink at bigyan mo ng sariling pangalan para ipagmalaki sa mga kaibigan o kamaganak.
2. Manuod ng fireworks – Bakit ka 'magpaputok at baka maaksidente ka pa? Manuod ka na lang ng mga magagandang pyrotechnics o fireworks display sa bintana sa loob ng bahay (mas maganda kung may bintana sa may second floor pataas). Pwede ring lumabas ng bahay para manuod. Ngunit mag-ingat lamang sa mga ligaw na bala, at maraming nagpapaputok ng baril.
3. Makipag-count down – pumunta sa mga restaurants o parties kung saan nag-count down mga tao bago mag bagong taon.
4. Tumalon at Magsayaw – Kailangan masaya at maingay ang pagsalubong ng bagong taon, para maramdaman ng 2017 na welcome na welcome siya. Magsi-talon at lumundag sa tuwa upang swertehin pagpasok ng bagong taon.
5. Gumawa ng New Year’s Resolution – Ito na ang panahon para rin magbagong buhay at tanggalin ang mga bisyo at masasamang kaugalian at gawain. Isulat sa papel para klaro at nakikita. Read more...
6. Maglaro ng mga board games o indoor games - Maraming mga family games ang pwedeng laruin ng buong pamilya tulad ng Monopoly, Snakes and Ladders, Pinoy Henyo, o baraha / cards (Pusoy dos, Tongits). Habang nagaantay ng bagong taon, pwedeng makipaglaro sa mga kapamilya at kaibigan ng mga games sa bahay habang kumakain at umiinom, para mag bonding at magsamama.
7. Kumain – at siyempre sa bawat okasyon ng pinoy, kelangan may handaan na pagkain. Magluto ng mga masasarap na pagkain tulad ng meatballs, spaghetti at pansit. Maswerte raw ang bilog, kaya maghanda ng mga bilog na pagkain tulad ng queso de bola at meatballs. Ayon sa mga Chinese, maswerte raw kumain ng: Fish (simbolo ng kasaganaan), Lumpia (spring rolls), Chinese dumplings (simbolo ng kayamanan), at Tikoy (Glutinous rice cake na simbolo ng mataas na posisyon, income o kinikita). Salu-salong kumain at magkwentuhan sa media noche.
Sunod: Ano mga pamahiin sa pagsalubong ng pagsapit ng Bagong Taon?