Filipino Hospitality o mabuting pakikitungo sa kapwa: Katangian ng Pilipino

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

Tunay na likas sa bawat Pilipino ang mabuting pakikitungo – sa mga dayuhan o maging kapwa Pilipino man. Bawat dayuhan na dumarayo sa bansa ay umuuwi dala ang alaala ng masasayang ngiti at mainit na pagtanggap ng mga taga-rito.

Filipino Hospitality o mabuting pakikitungo sa kapwa, Katangian ng Pilipino

Tradisyon na kung ituring ang pagfa-file ng leave sa tuwing may dadalaw na kamag-anak. Sa tuwing may bisita sa oras ng kainan, ang isang tipikal na pamilyang Pilipino ay hindi mag-aatubiling alukin ang bisita ng kung anuman ang nasa hapag kainan. Madalas, ipinaghahanda pa ang bisita ng paborito nitong ulam. Yung iba ipinapakita ang hospitalidad sa pamamagitan ng masigasig na pagbati. Pagpasok mo sa isang tindahan, hindi lang isang masiglang ‘Welcome!’ ang maririnig mo, may ekstra ka pang “Thank you!” kahit wala ka namang binili. Yung nanay mo, nilalabas lahat ng mamahalin at tinatago-tagong mga muebles para magamit ng bisita. Alam ko, ganun din nanay ko. Maraming dahilan kung bakit ganito na lang kung makitungo ang mga Pilipino. Ang mayaman at iba’t-ibang kultura, ang malawak na kapuluan (archipelago) at maging ang makulay nating kasaysayan ay iilan lamang sa mga ito.



Ang Filipino Hospitality, lalong lalo na tungo sa mga dayuhan, ay nariyan na kahit noong hindi pa tayo nasakop ng mga Kastila. Malugod na tinanggap ng ating mga katutubo ang mga Malay – ang sinasabing ninuno ng kasalukuyang mga Igorot – na nagdala ng makabagong teknolohiya sa pagsasaka at bagong sistema ng pamumuno. Dinalaw rin ang bansa ng iba’t-ibang pangkat-etniko tulad ng Intsik, Indonesians at iba pa. Sa bawat pagdalaw, ipinakita ng mga Pilipino ang mabuting pakikitungo. Namuhay ang ating mga ninuno sa pamamgitan ng pakikikipag-barter sa mga nabanggit na grupo sa loob ng ilang taon hanggang sa tayo ay nasakop ng mga Kastila simula ika-15 na siglo.



Ang Spanish Colonial Era (1521-1898) na nagtagal ng halos apat na siglo ay sinasabing maaring nag-ugat dahil sa lubos na hospitalidad ng ating mga ninuno. Noong una, ang kanilang pagdating ay walang bahid ng anumang pagbabanta kaya naman tinanggap sila ng mga katutubo ng buong puso. Huli na nang mapagtanto ng mga katutubo na ang dating kanila ay pagmamay-ari na nga mga mananakop. Sa katunayan, walang tiyak na makapagsasabi kung kailan eksaktong naging kolonya ng España ang bansa. Ang patuloy na pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang naging daan upang tuluyang masakop ang buong bansa, at pinangalanan nga itong Pilipinas, sa ilalim ni King Philip II. Ayon kay Teodoro Agoncillo, ang hospitalidad ng mga katutubo ay itinuring ng mga Kastila bilang pagpapakita ng inferiority. Kaya naman gayon na lang sa pagpapakasasa ang mga Kastila habang ang mga katutubo ay nanatiling mga Indio, mga alipin sa sariling bayan.


Binili ang Pilipinas ng mga Amerikano mula sa mga Kastila sa halagang $20 milyong dolyar noong Disyembre 1898. Muli, tayo ay naging kolonya. December 8, 1941, sampung oras matapos ang atake sa Peral Harbor, sinakop naman tayo ng bansang Hapon. Tatlong taon ang lumipas, nabawi muli tayo ng mga Amerikano. Nagbago man ang uri ng pamumuhay, sistema ng gobyerno at estado ng buhay ng bawat Pilipino, nanatili pa rin sa atin ang kultura ng mabuting pakikitungo. Maaring nagdulot ito ng mapait na karanasan subalit hindi nito maikakaila ang saya at tuwa na ating nadarama sa tuwing tayo ay nakagagawa ng mabuti sa ating kapwa. Hindi lang naman sa Pilipinas nararanasan ang Filipino Hospitality. Sa bawat sulok ng mundo na may Pilipino, asahang may aagapay at tutulong sa iyo kapag ikaw ay nangailangan ng tulong. May mga Pilipinong tumutulong sa mga kababayan na maka-adjust sa kultura ng bansang pinagtatrabahuhan. Yung iba nga, nag-aalok pa ng libreng pansamantalang matutuluyan.




Parte na nga ng ating kultura ang Filipino Hospitality, isang bagay na di na natin kayang iwasan. Nakatanim na ito sa ating mga puso at parte na ng ating pagkakakilanlan.


About the author

Rizza Floro

Profession: Talent scout
Japan , Tokyo , Tokyo

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.