NAGLILIHI SUPERSTITIONS: Ano mga PAMAHIIN ng mga Pilipino sa paglilihi

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

Kahit na sobrang maunlad na ang medisina at High-tech na tayo ngayon, madaming Pilipino pa din ang naniniwala sa tradisyonal na paglilihi o yung mga pamahiin.

Mas maigi na daw yung sigurado kesa naman sa wala kang ginagawa o sinusunod na pamamaraan. May mga nagsasabi na talagang epektibo yan pero may nagsasabing kalokohan yan. Anoman ang totoo, eto ang listahan ng mga kilalang pamahiin ng mga Pilipino o kahit nga sa ibang bansa tungkol sa paglilihi:

- Kapag naglilihi at may kahit na sinong bumisita, wag na wag daw itong papaupuin o papatayuin ng malapit sa pintuan para hindi mahirapan ang babae sa panganganak nito.

- Hindi daw dapat hinahayaan na maglakad ng mag-isa o umalis ng mag-isa ang isang naglilihi kapag gabi.

- Hindi dapat makakita ng ahas o makarinig ng kahit anong kwento tungkol dito ang isang babae kapag naglilihi dahil magkakaroon dawn g maraming “balat” o marka sa balat ang bata kapag inilabas ito.

- Kung ano daw yung gustong-gusto mong kainin habang naglilihi ka eh may malaking epekto sa magiging ugali o hitsura ng anak mo paglaki niya. Halimbawa, kung madalas kang kumain ng may sibuyas, magiging masyadong emosyonal at mararamdamin ang anak mo. Pero kung madalas ka naman daw kakain ng labanos o singkamas, lalaking maputi at makinis ang balat ng anak mo. Kung kakain ka naman dawn g kambal na saging, magiging kambal ang anak mo.

- Hindi dapat umiyak, making o manuod ng kahit na anong magpapalungkot o magpapatindi ng damdamin ang isang naglilihi dahil magiging malulungkutin o emosyonal ang bata paglaki nito. Malamang na may katotohanan din yan dahil ayon sa pagsusuri, may epekto talaga ang emosyon ng isang ina habang nagbubuntis sa magiging personalidad niya pag-laki.

- Laging kumain ng itlog na malasado para maging mabilis at madali ang paglabas ng bata. Kung puputulin mo daw ang buhok mo habang naglilihi, mahihirapan kang manganak. Sinasabi ng matatanda na dapat kang magpagupit pagka- 1 taon ng bata.

- Iwasan daw na kumain ng tsokolate, adobo o posit dahil magiging maitim ang anak mo.

- Huwag mag wawalis sa ilalim ng kama o papag kapag naglilihi. Aalisin daw niyan ang swerte ng bata o ang magandang kinabukasan na naghihintay sa kanya.

- Kapag kumakain ang isang naglilihi, dapat na wag siyang magtitira sa plato ng pagkain. Kapag daw kasi may natira ka kahit minsan, hindi magiging mabilis ang paglabas ng anak mo.

- Huwag na huwag daw dadalo o makikipaglibing ang isang buntis. Manganganib daw siyang makunan. Iwasan din na isuot ang damit na nagamit na ng magdamag. Palagi din daw magsuot ng kwintas para maiwasang masakal ng umbilical cord ang bata sa loob ng tyan.

- Kapag daw naaaliw ang isang buntis sa kahit na anong uri ng hayop, dedepende sa hayop ang magiging ugali at pati nga daw hitsura ng anak mo. Kaya numero uno daw na iwasan eh yung unggoy kasi magiging maligalig daw ang bata paglaki niya.

- Wag daw maglalakad ng nakapaa lang.


Madami pang pamahiin ang matatanda. Nasa sayo kung maniniwala ka o ipag-wawalang bahala mo yan. Anuman ang totoo, mahalagang magingat sa panahon ng paglilihi.

About the author

Rizza Floro

Profession: Talent scout
Japan , Tokyo , Tokyo

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.