Paano maglaro ng PUSOY? Ano Sikreto, Diskarte, Stratehiya para Manalo?

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

Ang Pusoy, o kilala sa Ingles bilang Chinese Poker, ay isang popular na larong baraha sa Hong Kong at ilang bahagi ng Southeast Asia kasama na ang Pilipinas at nilalaro din hanggang sa Estados Unidos. Kilala ito sa iba’t-ibang pangalan:

- Sa Cantonese ay tinatawag itong Sap Sam Cheung na ang ibig sabihin ay 13 baraha, at sa salitang Vietnamese naman ay kilala din sa parehong pangalan na Xập Xám Chướng .

- Sa salitang Mandarin o intsik naman ay tinatawag ito paminsan minsan sa pangalang Luosong Pai Jiu na ang ibig sabihin ay pwedeng Russian Pai Gow na isa ding sugal gamit naman ang Chinese dominoes.

- Sa Estados Unidos ay kilala ito bilang Chinese Poker o minsan ay natatawag din na Russian Poker.

- Sa Hawaii naman ay tinatawag ito na Pepito.

- Sa Pilipinas ay tinatawag ito na Pusoy. Iba ito sa larong Pusoy Dos, kahit na minsan ay napagkakamalan ang dalawang laro.

Ang layunin ng laro ay para maayos ang iyong mga hawak na baraha sa tatlong Poker hands – dalawang tiglilimang mga bahay at isang may tatlong baraha – na makakatalo sa hawak na baraha ng ibang mga manlalaro.


Sino ang maaaring maglaro nito at ano ang pusta?

Karaniwang may apat na manlalaro sa larong ito na maglalaban-laban sa isa’t-isa. Ang ginagamit sa larong ito ay ang standard na pack ng baraha na binubuo ng 52 baraha. Bago maglaro ay nagkakasundo muna ang lahat sa pusta. Babalasahin ang mga baraha, puputulin at ibibigay isa isa hanggang sa ang bawat manlalaro ay magkaroon ng 13 baraha.

Ang bawat manlalaro ay kailangang hatiin ang hawak nilang 13 baraha sa tatlong grupo – isang back hand na binubuo ng limang baraha, gitnang “hand” na binubuo ulit ng limang baraha at harapang binubuo ng 3 baraha. Kailangang mas maganda ang nasa pinakalikod na bahay, susundan ng panggitna at panghuli ang nasa harap.


Ano ang mga batas ng larong ito?

- Kaugnay sa naisaad sa taas, ang pangunahing dapat tandaan ay huwag labagin ang batas tungkol sa pagkakasunod-sunod ng mga “bahay” na hawak mo. Kapag hindi nasunod ang nasabi tungkol sa tatlong bahay ay agad ka na madidisqualify at tinatawag itong “totyo” kung saan matatalo ka nang doble sa iyong itinaya.

- Mag-isa kang mag-aayos ng iyong mga bahay at wala kang maaaring hingan ng tulong.

- Hindi mo din pwedeng hawakan ang mga baraha o magbago ng iyong isip kapag nalagay mo na ang mga baraha sa lamesa.

- Kapag nailagay na ng lahat ng mga manlalaro ang kanilang mga bahay sa mesa, bubuksan na ng dealer ang kanyang mga baraha at ikukumpara para malaman kung sino ang mananalo.


Paano ka nananalo sa Pusoy?

1. Mananalo ka lang kung 2 sa 3 bahay na nabuo mo ay matatalo ang 3 bahay na hawak ng dealer

2. Kung 3 sa bahay mo ay talo lahat ng 3 bahay ng dealer, madodoble ang iyong panalo.

3. Ngunit kung talo naman lahat ng bahay na hawak mo ay madodoble din ang iyong talo.

Dahil sa pagkakaiba-iba ng mga pinagmulang bansa ng larong ito, bawat bansa ay nagkaroon na din ng kanilang bersyon ng pagbabago sa mga batas ng larong ito. Tulad na lamang ng Vietnamese na bersyon na may ibang set na din ng batas.


Maaari na nga sigurong maituring na pinakapopular na laro sa Timog Silangang Asya at Tsina ang larong Pusoy dahil sa popularidad at dami ng mga bersyon nito sa iba’t-ibang bansang natuto at naglalaro nito.


About the author

Rizza Floro

Profession: Talent scout
Japan , Tokyo , Tokyo

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.