Paano maglaro ng PUSOY DOS? Ano Sekreto, Diskarte para manalo? Stragehiya

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

Mayroong napakaraming mga bersyon ng poker sa buong mundo na pinasikat ng mga casino, mga manlalakbay at mga sugarol. Ngunit may isang uri na nabuo dahil lamang sa taglay na pagkamalikhain ng mga Pilipino sa larong baraha. Naging popular sa Pilipinas ang iba’t-ibang larong baraha bilang paraan upang maglibang at magpalipas ng oras at isa sa mga sumikat na larong baraha ang Pusoy Dos o Street Poker.

Ang pangalan ng larong ito ay nagmula sa pusoy na siyang kilalang tawag sa larong poker sa Pilipinas, at ang Dos ay kastilang salita na ang ibig sabihin ay dalawa. Dahil masyadong mahal ang pusta sa larong poker, ang larong Pusoy Dos ang naging pamalit at mas naging popular na laro para sa mga Pinoy.


Paano laruin ang Pusoy Dos?

Tulad ng kahit anong mga larong baraha, ang Pusoy Dos ay maaaring laruin ng dalawa hanggang apat na manlalaro. Ibig sabihin ay bawat isa sa apat na manlalaro ay hahawak ng 13 baraha bawat round. Isang deck ng baraha lang ang gagamitin sa larong ito.

Kapag tatlo lang ang manlalaro, bawat manlalaro ay makakakuha ng 13 baraha. Ang mga natirang baraha ay itatago at ibubunyag lamang kapag natapos na ang buong laro. Kapag dalawa lang ang maglalaro, pwede silang magdesisyon kung hahatiin ang laro sa dalawang round na may tig 13 baraha o iisang round lang at may 26 silang barahang hawak.

Heto ang karaniwang nangyayari kapag maglalaro na ng Pusoy Dos:

1. Magse-set ng pinakamababang pusta ang dealer. Pero minsan naman, ang pusta naman ay pinagkakasunduan lang kapag natanggap na ng mga manlalaro ang kanilang mga baraha.

2. Matapos balasahin ang deck ay ipapamigay niya isa isa ang mga baraha paikot sa bawat manlalaro hanggang sa maubos ang lahat ng mga baraha. Lahat ng baraha ay ibibigay na nakadapa para ang tatanggap lang ang makakakita sa laman nito.


May mga simpleng batas ba na dapat tandaan sa paglalaro ng Pusoy Dos?

Sa madaling salita, oo. May ilang mga batas ang laro na dapat mo tandaan para magtagumpay ka:

1. Laging nagtatagumpay ang house of Diamonds, na sinusundan ng Hearts, Spades, at panghuli ang Clubs.

2. Laging mas makapangyarihan ang mga pula kumpara sa itim.

3. Ang ranggo ng mga baraha, mula sa pinakamataas papunta sa pinakamababa ay ang sumusunod:

a. Dos

b. Alas

c. Hari

d. Reyna

e. Jack

f. Sampu

g. Siyam

h. Walo

i. Pito

j. Anim

k. Lima

l. Apat

m. Tatlo

4. Alinsunod sa unang batas, ang Dos na Diamond ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng mga baraha sa larong ito.

5. Magsisimula ang laro sa taong may hawak ng Three of Clubs, dahil ito ang pinakamababa. Maaari niya itong ibaba o itapon ng mag-isa o maaari ring sa isang trio o quadro kasama ng ibang Three sa ibang suits.

6. Iikot ang pagkakasunod nito alinsunod sa kung sino ang katabi ng unang gumalaw, paikot sa parehong direksyon ng pagbigay ng dealer ng mga baraha kanina.

7. Ang susunod na gagalaw ay kailangang “patayin” o taasan ang ranggo ng barahang huling ibinaba ng huling tumira.

8. Kung sino ang maunang makaubos ng lahat ng kanyang mga baraha ang siyang mananalo.



Simple lang ang larong Pusoy dos. Ito marahil ang dahilan kung bakit maraming mga Pilipino ang nahuhumaling sa larong ito. Ito na siguro ang pinaka nakakaaliw na libangan at pampalipas oras lalo na sa mga magkakaibigan.

About the author

Rizza Floro

Profession: Talent scout
Japan , Tokyo , Tokyo

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.