Paano maiwasan maging Maluho, Gastadora? Matigil ba pagiging Mawaldas?

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

Ang paga gasta ng pera ay hindi naman laging masama o pag aaksaya. Gumagasta ang isang tao para sa kalusugan, paglilibang, o para magkaroon ng maginhawang buhay ang kaniyang pamilya.

Paano maiwasan pagiging maluho gastadora mawaldas ng pera salapi matigil

Pero ang isang gastador ay gumagastos o bumibili ng kung ano-anong bagay na hindi naman mahalaga gaya ng bagong cellphone o damit kahit kabibili mo lamang nito noong isang linggo. Kung sa tingin mo ay ganito ka, wag kang mag-alala dahil madami na ang nagbago sa tulong ng mga sumusunod:

- Gumawa at sundin ang budget. Bago pumunta sa mall o grocery, maglista kung ano ang bibilhin. Mahalaga na disiplinahin ang sarili. Iwasang bilhin ang mga bagay na wala sa listahan. Ang isang gastador ay walang plano kung kaya bili siya ng bili ng kahit anong magustuhan niya. Kung hindi naman kinakailangan, lumayo sa mga lugar na nagtitinda ng mga murang bilihin gaya ng mga ‘sale’ o murang damit, sapatos, gamit sa bahay, gadget o iba pang gamit. Iwasan din na hawakan o lapitan ang mga bagay na matutukso kang bilhin. Minsan, mukang nakamura ka nga ,pero gumastos ka pa din at baka naubos pa nga ang pera sa di kailangan. Kapag tapos ka ng mamili, sikapin mo na makauwi agad para hindi na matukso pa na bumili.

- Baguhin ang mga nakasanayang gawin. Kailan ka ba madalas na gumastos sa di mahalagang bagay at saang mga lugar? Kapag parang natutukso kang gawin ito, magisip ng ibang bagay na pwedeng gawin na mag eenjoy ka din. Halimbawa, sa halip na bumili ng damit, bakit hindi sa pagkain gastahin ang pera? Maghanap ng ibang pagkakaabalahan na hindi kailangan ng pera. Kapag nababagot at parang gusto mong mamili, subukan ang mga laro o sport gaya ng basketball, badminto at madami pang iba. Pwede ding kumuha ng iba pang trabaho para kumita ng pera para malibang.

- Kung minsan, kapag nakikita agad ng isang tao resulta ng gagawin niya, itinitigil niya agad ito. Isipin ang pwedeng mangyari kung hindi titigilan ang pagiging gastador. Halimbawa, ano ba ang resulta kapag naging gastador? Maaari kang mabaon sa utang, maghirap, mawawalan ng tiwala ang iba sayo o madismaya pa nga dahil sa isang katutak na problemang haharapin. Pagkatapos, isipan naman ang magandang resulta kapag nagtipid. Mas madami kang pera na naipon, mabibili mo ang pinakamahahalagang gamit, at syempre, maluwag sa pakiramdam dahil nagbago ka.

- Madaming gumagamit ng credit card o yung pag-utang para mabili ang isang bagay. Totoo, maalwan itong gamitin kapag namimili pero karaniwan ng nababaon sa utang kapag hindi tama ang pag gamit dito. Iwasan ang sobra sobrang pag gamit sa credit card at bayaran agad ang mga utang bago pa singilin. Maganda din kung gagawa ka ng rekord ng mga nagastos mo sa isang buwan para makita kung ano ang pagbabagong gagawin.


- Higit sa lahat, mahalaga ang disiplina sa sarili. Pag aralang kontrolin ang pag gastos kahit parang mahirap sa simula. Ang tao ang dapat kumontrol sa pera, hindi ang pera ang kokontrol sa tao.


About the author

Rizza Floro

Profession: Talent scout
Japan , Tokyo , Tokyo

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.