Ang salitang kilos na naganap na o
nangyari na ay tinatawag na nasa panahunang
pangnagdaan ng pandiwa.Ito ay nakikilala rin sa tulong ng mga salitang tumutukoy sa panahon tulad ng kahapon, kagabi, kanina, noong nakaraang araw,noong isang linggo,at iba pa.
Halimbawa: Noong Sabado namasyal ang mag-anak.
Naglaro ng patintero ang mga bata kanina.