Totoo ba Anting-Anting sa Sugal? Ano ito at saan makakuha, makabili? Paano ginagamit?

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

Ano ang Anting-anting?

Ang anting-anting ay galing sa paniniwala ng mga Pilipino. Ito ay isang importanteng bahagi ng sinaunang Pilipinong kredo at tradisyon.


Kahit na ito ay sumailalim na sa maraming ebolusyon sa konteksto at gamit, malaki pa din ang ginagampanang papel ng mga anting-anting pagdating sa pang araw-araw na buhay ng mga katutubo at mga probinsyanong Pinoy. Punong-puno ng mitolohiya at relihiyon, ang mga anting-anting ay lubhang nakaangkla sa paniniwala ng mga Pilipino sa kaluluwa at sa kanyang ideya ng pamumuno, kapangyarihan, nasyonalismo at rebolusyon at higit sa lahat, ito ay nakakadagdag sa isang napakagandang aspeto ng pamumuhay sa probinsya.

Ang anting-anting ay isang bato o maliit na bagay na napupuno ng mga inskripsyon at mga panalangin. Ito ay sinusuot sa leeg at tumutulong sa nagsusuot nito na hindi maapektuhan ng kutsilyo o bala. Maraming nagsusuot ng mga ito, lalo na ang mga tulisan at tumatakbo sa batas. Ngunit dapat tandaang magkaiba ang anting-anting at ang scapular na karaniwang napagkakamalang iisa ng ibang tao.


Saan nagmula ang mga anting-anting?

Ang mitolohikal na pinagmulan ng anting-anting ay natatalang bumabalik sa panahon bago pa ang katolisismo at pagsakop ng mga Kastila. Ilang taon pa bago dumating ang mga Espanyol, sinasamba na ng mga katutubo ang mga sinauna nilang anito at ilang mga diyos. Sa mga tagalog, pinuno ng mga diyos si Bathala, na sinusundan pa ng ilang mga mas maliliit na mga diyos.


Paano umuubra ang anting-anting?

Ang anting-anting ay hindi lang basta-basta isang bato o nakaukit na metal. Ito ay maaari ding isang panalangin o orasyon na isang kombinasyon ng mga esoterikong kombinasyon ng latin at lenggwaheng lokal na sinulat sa isang papel, tinupi at itinago sa wallet, o tinahi sa isang telang lagayan, at isinusuot sa katawan. Ito ay maaari ding isang maliit na libretto na nasusulatan ng mga orasyon.

Minsan, ang isang orasyong pinaniniwalaang lubhang makapanyarihan ay temporaryong isinusulat sa balat ng tao o minsan din ay ipinapa tattoo ng permanente sa katawan.

Sa mga popular at komersyal na mga anting-anting, ang pinakapopular na mga anting-anting ay ginagamit para pang-alis ng epekto sa mga kinulam at sinapian ng masasamang espirito. Mayroon ding mga anting anting na nagagamit sa panggagayuma, sa negosyo, magandang kapalaran, sa mga naglalakbay, pagpasa ng mga pagsusulit at para sa madaling panganganak.

Mayroon ding mga anting-anting na ginagamit para sa proteksyon laban sa pisikal na panganib tulad ng:

· Apoy

· Ahas

· Aksidente

· Pag-ambush

· Bala

Mayroon ding mga anting-anting na maaaring gamitin para naman sa mga espiritwal o paranormal na mga pangyayari o nilikha tulad ng mga:

· Masasamang espiritu

· Nuno sa punso

· Itim na duwende

· Tikbalang

· At iba pa.


Paano palakasin ang kapangyarihan ng anting-anting?

Parte ng kapangyarihan ng isang anting-anting ay ang gumagamit nito. Para maging epektibo, ang kapangyarihan ng anting anting ay kailangang masipsip ng sumusuot nito para maging isa sa gumagamit nito. Ang kredo ng paggamit ng anting anting ay nangangailangang mabuhay ang gumagamit nito na naaayon sa mga batas na nakasaad para maging makapanyarihan ito. Kailangan niyang maging disiplinado at relihiyoso.

Ang pinakamagandang panahon para mas mapalakas ang kapangyarihan ng anting anting ay tuwing mahal na araw. Magandang panahon ang Holy Week, lalo na sa ika walo ng gabi sa isang sementeryo sa Biyernes Santo para ma renew o mas mapalakas ang kapangyarihan ng suot mong anting anting.

Ang proseso ng pagpapalakas nito ay punong-puno ng mga orasyon at engkantasyon na binubulong at sinusulat.

Tuwing Biyernes Santo, nagsasama-sama ang mga may hawak ng mga anting anting para subukan at patunayan ang kapangyarihan at lakas ng mga anting-anting nila.


May iba pa bang uri ng Anting-anting?

Oo. Sa katunayan, may isa pang uri ng anting-anting na tinatawag na “subo”. Ang salitang subo ay literal na nangangahulugan na ilulon o isubo. Ang halimbawa ng sinusubong anting-anting na ito ay ang nakukuha mula sa nahuhulog na anting-anting mula sa unang pagbuka ng puso ng saging.

May mga naniniwala na ang uri ng anting-anting na ito ay nakakapagpalakas – isang uri ng essence na namamahay sa humahawak ng anting-anting na ito.

Kumpara sa karamihan ng mga anting-anting na nakaugalian na ng mga matatanda na nililibing kasama ng bangkay ng may-ari nito, ang mga sinusubong anting-anting ay ipinapamana at ipinapasa sa susunod na henerasyon sa kanyang pamilya, at karaniwang ibinibigay sa pinakamatandang anak na lalaki. May mga sitwasyon ding pinapamana ito sa napiling tao ng may-ari kahit hindi niya ito kadugo.

Ang proseso ng pagpasa ng sinusubong anting-anting ay nangyayari sa panahong malapit nang mamatay ang may-ari. Ang napiling tagapagmana ay kailangang tumabi sa kama ng mamamatay. Ang sinubong anting-anting ay magpapakita sa anyo ng isang mala batong bilog na inuubo palabas papunta sa kamay ng tagapagmana o kaya naman ay pupulutin niya ito at dapat na agad isubo. Ang kaunting pag-aalinlangang tanggapin ito o bagal sa pagkuha ay magdudulot ng pagkawala ng sinusubong anting-anting habangbuhay. Kapag matagumpay na naisubo ang anting-anting ay patuloy na maipapasa ang epekto at kapangyarihan ng anting-anting sa tagapagmana nito.


Ang anting anting ay isang importanteng parte ng kultura at tradisyon ng mga sinaunang Pilipino na matatag na nakaangkla sa paniniwala, relihiyon, dasal at tradisyon. Hanggang sa araw na ito, ito ay nananatili pa ding nasa sa gitna ng ilang parte ng buhay at kultura ng mga Pilipino, lalo na sa mga hindi edukadong mga Pinoy at mga mahihirap na parte ng bansa. Para din sa iba, ito ay nananatili pa ding nakakaimpluwensya sa mga desisyon at panganib sa pang araw-araw na buhay.

Ang mitolohiya ng paniniwalang ito ay nananatiling buhay at tumutubo sa bawat kwentong hinahabi ng mga may hawak nito at kung paano siya nakatakas mula sa panganib, nabuhay matapos ng isang aksidente, may ginawang isang delikadong gawain o nalabanan ang mga bala ng gustong pumatay sa kanya.


Ito ay karaniwang aksesorya ng mga tao sa probinsya, isang magandang dekorasyon na naging pangkaraniwan na hindi lang sa mga probinsyano kundi pati sa karaniwang Pilipino. Isang bisita tuwing biyernes sa Quiapo ay makakapagpatunay na ang kultura at paniniwala sa mga gayuma, anting-anting, gayuma at kung ano pang mga sinaunang mahiwaga at matalinhagang kagamitan ay tuna na buhay na buhay pa hanggang sa modernong panahon.

About the author

Rizza Floro

Profession: Talent scout
Japan , Tokyo , Tokyo

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.