Totoo ba ang Agimat na bato o sa Sugal? Ano ito, saan makuha at paano magamit?

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

Alam ng karamihan sa mga anting-anting at agimat – mga Pilipinong amulet o tasliman – mga metal na abubot na karaniwang ibinibenta sa labas ng simbahan ng Quiapo na ayon sa mga nagbebenta ay nagtataglay ng iba’t-ibang kapangyarihan at kakayahan.

May kaibahan ba ang anting-anting sa agimat?

Ang una at madalasang pagkakamali ng mga tao ay ang sabihing iisa lang ang gimat at ang anting-anting. Ang mga anting-anting ay mga bagay na nagmula sa lupa, tulad ng balat ng buto ng niyog o kapiraso ng lumang kahoy. Sa kabilang banda, ang agimat naman ay isang bagay na gawa ng tao. Ang agimat ay hindi lamang gawa sa metal. Ito ay maaaring maging isang panyo, tsaleko, isang bagay na gawa sa garing o ivory, damit, estatwa o kahit pa isang wand.

Sa popular na mga pelikula at literaturang Pilipino, ang taong may hawak ng agimat ay nabibiyayaan ng lakas at katangiang higit pa sa lakas at kakayahan ng isang ordinaryong tao. Siya ay nagiging napakalakas, kakayahang maglaho, mas matinis na pandinig, pang-amoy at mata, kakayahang pagalingin ang sarili at magkaroon ng elemental na kapangyarihan at kakayahan. Ang taong may hawak nito ay karaniwang pinapakitang nagkakaroon ng kakayahan gumawa ng apoy o magpasabog ng kuryente mula sa dulo ng kanyang mga daliri at sa buong katawan. Siya din ay nagkakaroon ng kakayahan sa telekinesis o magpagalaw ng mga bagay bagay gamit lamang ang kanyang isip, pumigil ng lumilipad na bala, makita ang hinaharap, magkaroon ng kakayahan ng tulad sa hunyango na gayahin ang kulay at anyo ng mga bagay bagay sa paligi niya, at magkaroon na rin ng napakagandang swerte o kapalaran at kakayahang gumawa ng milagro at magpagaling ng iba mula sa sakit.

Ang isang sikat na halimbawa nito ay ang pelikulang Nardong Putik kung saan ang gumaganap na Nardo na si Ramon Revilla ay may kakayahan at lakas laban sa bala at pananaksak sa pamamagitan ng pagkain sa isang mahiwagang klase ng putik.



Ano ang ibig sabihin ng mga simbolong nakaukit sa agimat?

Maraming simbolong nakaukit sa isang agimat. Ang isang halimbawa ay ang simbolo ng infinito dios, na siyang diyos na sinasamba ng mga sinaunang mga Pilipino. May iba pang mga nakaukit tulad ng animasola o diyos ng himpapawid, ang anyong mandirigma ng infinito dios na tinatawag na atardar, and babaeng bersyon ng infinito dios na tinatawag na infinita dios, at ang cinco vocales na siyang nagsisimbolo sa iba’t-ibang tawag o pangalan para sa infinito at marami pang ibang mga dios.



Mga iba’t-ibang uri ng agimat

Sa okulto ng kulturang Pinoy, may naaayong agimat para sa bawat aspeto ng buhay ng tao. Ang pinakakaraniwang uri ng agimat ay ginagamit upang magtanggal ng mga sumpa o kulam sa isang tao o kaya naman ay ginagamit para magtaboy ng mga masasamang espiritung sumasanib sa katawan ng isang biktima.

May isang uri ng agimat na tinatawag na gayuma na may kakayahang gawing kaakit-akit ang may hawak nito sa mata ng iba, lalo na sa kanyang iniibig.

Kahit na karaniwang mala-krus, o kaya naman ay isang patag na pa tatsulok o kaya naman ay bilog na bato ang wangis ng agimat sa mga pelikula na nakatali pa sa dulo ng kwintas, may ilang mga bersyon na naghahalintulad nito sa isang mahiwagang batong bumaba mula sa kalangitan at may iba ding mula sa puso ng saging kapag hatinggabi na tinatawag na mutya.

Ang agimat ay maaari ding maging isang maliit ngunit mahiwagang piraso ng tela na nasusulatan ng mga inskripsyon, o pwede ring isang uri ng nakakaing putik.

Ang mga agimat na gawa sa bato o metal ay kadalasang may kasamang maliit na libro na punong-puno ng iba’t-ibang mga enkantasyon at mga orasyon na kailangang basahin tuwing gabi ng Biyernes Santo taon taon upan mas palakasin pa ang kapangyarihan nito.



May iba pa bang paraan para makakuha ng agimat?

Ang ibang paraan para makakuha ng agimat ay sa pamamagitan ng pag-ubos ng tubig sa katawan ng hinukay na bangkay ng sanggol na hindi pa nababasbasan sa simbahan, o mas kilala bilang aborted fetus, o sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga pagkain at inumin sa mga kaluluwa o espiritu na naninirahan sa mga sementeryo kapag hatinggabi ng Miyerkules Santo o Huwebes Santo. Karamihan sa mga amulet na mga ito ay may nakaukit na mga mahiwagang inskripsyon.

Tulad na lamang sa distrito ng Quiapo sa Maynila, karamihan ng mga nagbebenta ng agimat ay nakapwesto malapit sa mga simbahan tulad ng sa plaza o sa malapit na palengke.

Ang mga Pilipinong mandirigma o sundalo ay gumagamit din ng mga agimat sa mga digmaan laban sa mga Kastila at Amerikano.

Ang isang halimbawa ay ang Pilipinong Bayaning si Macario Sakay na diumano’y nagsuot ng tsaleko na may mga relihiyosong imahe at may mga Latinong inskripsyon na nagpoprotekta sa kanya laban sa mga bala.

Kilala din ang yumaong Presidente at diktador na si Ferdinand Marcos na diumano’y binigyan ng agimat ni Gregorio Aglipay na tutulong daw kay Marcos na hindi tablan ng kung ano man. Sinasabing ang agimat ni Marcos ay isang piraso ng kahoy na ipinasok sa kanyang likuran bago ang kanyang kampanya sa Bataan noong 1942.



Kailan nag-umpisa ang tradisyon ng paggamit ng agimat?

Ang pinakaunang naitalang katibayan tungkol sa mga agimat ay naitala sa mga talaan ng mga Kastilang prayle noong mga unang taon ng pananakol ng mga Espanyol. Sa paglaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas, ang konsepto ng agimat ay nahaluan din ng impluwensya ng relihiyon at simbolismo ng mga mason. May naitala at natagpuang mga agimat na naglalaman na rin ng mga imahe at enkantasyong kristiyano, bunga na rin marahil ng pagbabago at pagpasok ng aspeto ng katolisismo sa kulturang Pilipino. Ang itsura ng nakapakong si Kristo, ang Inang Birhen Maria, at ang imahe ng Santo Nino ay nakaukit na rin sa mga mas bagong agimat ngayon.

May naitala na ding Muslim na bersyon ng agimat lalo na sa katimugan ng bansa.

Ang agimat at anting anting ay naging parte na ng literature at pamumuhay ng mga Pilipino. Hindi na lamang ito gawa gawa ng kathang isip kundi isang bagay na nakahabi na sa tela ng kasysayan at kulturang Pinoy.


About the author

Rizza Floro

Profession: Talent scout
Japan , Tokyo , Tokyo

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.