Ilang pagbabago sa buhay ng mga Pilipino mula sa kamay ng mga Kastila.
Sa pananakop ng mga kastila sa ating bansa ay nagkaroon ng maraming pagbabago sa buhay ng mga Pilipino. Dahil sa magagandang simbahan, mga prusisyon at mga kapistahan ay naakit ang mga katutubo at tinangkilik ang relihiyong Kristiyanismo. Natuto ang mga katutubo ng pagdarasal, pagrorosaryo at ang orasyon ay ang pagdarasal tuwing sasapit ang ika-6 ng gabi. Dahil na rin sa ipinamulat ng mga kastila ang bawat pagsunod na ginagawa at pagbibigay sa misa o pagbibigay ng alay ay may kapalit na siyang magdadala sa kanila sa langit at iiwas sa apoy ng impyerno ay halos araw-araw silang nagsisimba lalo na sa araw ng lingo. Nagpalit din ng mga pangalan at nagpabinyag ang mga Pilipino dahil na rin sa utos ng mga kastila. Mula sa mga pangalan na Maliksi, Malakas, Maganda ay pinalitan ito ng mga pangalang Espanyol tulad ng Cruz, Reyes, Gonzales, Santos at iba pa.
Pagdating naman sa pamumuhay nagkaroon ng mga bahay na bato at nagkaroon ng mga magagandang kagamitan tulad ng piyano, muwebles at mga kagamitang pangkusina. Nagkaroon din ng mga sasakyang tulad ng karwahe, tren, at bapor. Natuto rin ang mga katutubo na magdiwang ng mga kapistahan bilang pagpaparangal sa mga Santo, sa Papa, at sa gobernador. Bilang libangan, nagkaroon ng mga sabong, karera ng mga kabayo, at teatro.
Ang ilang nasabing pagbabago ay nagbigay din ng daan sa pagkakabuo ng ilang pangkat ng “may-kaya” o mga taong may aria-arian at lupain. May ilan din sa mga Pilipino ang nakapag-aral at nakakuha ng kurso tulad ng mesidna, abugasya, agrikultura at pagiging maestro. Ang mga kursong itong ay natapos nila rito na rin sa Pilipinas sapagkat marami na rin naming paaralan ang naitatag nang mga panahong ‘yon.