SINO ANG TRECE MARTIRES? KWENTO NG KABAYANIHAN NG LABINTALONG GINOO

Joefer Traya
is a Licensed Nurse in the Philippines

Bago pa man naging pangalan ng isang lungsod sa Cavite, ang Trece Martires ang naging bansag sa kabayanihan ng labing-tatlong ginoo mula sa iba-t ibang sulok ng Cavite na nag-aklas laban sa laban sa dayuhang pananakop. Bigo man sila sa kanilang orihinal na adhikain, ang kanilang kabayanihan ang nagsilbing hudyat para sa darating pang mas malakihang laban para sa kasarinlan.

· Narito ang listahan ng Labintatlong Martir:

1. Luis Aguadosupply chief ng Fort San Felipe

2. Eugenio Cabezas – isang platero na nagmamay-ari ng isang alahasan.

3. Feliciano Cabuco – anak ng isang mayamang pamilya sa Cavite. Nagtatrabaho siya sa isang ospital.

4. Agapito Conchu – isang guro, musikero, litratista, pintor at litograpo na lumipat sa Cavite galing Bindondo, Maynila.

5. Alfonso de Ocampo – isang mestisong Kastila na naging sarhento ng hukbong Español bago naging assistant warden ng provincial jail ng Cavite.

6. Maximo Gregorio – Nagtatag ng dalawang sangay ng Katipunan (“Marikit” at “Lintik”).

7. Maximo Inocencio – Pinakamatanda sa 13 martir. Nasangkot siya sa 1872 Cavite Mutiny at ipinatapon sa Cartagena, España ng 10 taon. Nakabalik siya ng bansa at pinasok ang mga negosyong building at bridge contracting, shipbuilding, sawmilling, logging at trading.

8. Jose Lallana – isang mananahi. Ginawang tagpuan ng mga pagtitipon ng Katipunan ang kanyang tindahan.

9. Severino Lapidario – isang korporal ng Spanish Navy Marines. Nasangkot siya sa 1872 Cavite Mutiny ngunit nakuhang muli ang tiwala ng mga otoridad na nagluklok sa kanya bilang warden ng Cavite proivincial jail.

10. Victoriano Lucain III – isang parmaseutiko na tanyag sa kanyang mga pormula ng pabango at losyon. Ang botika niyang Botica Luciano ay ginawa ring tagpuan ng Katipunan.

11. Francisco Osorio – anak ni Antonio Osorio, isang mestisong Intsik na pinaniniwalaan bilang pinakamayaman na tao sa buong Cavite.

12. Hugo Perez – isang doktor na Freemason.

13. Antonio San Agustin – may-ari ng La Aurora, ang natatanging tindahan ng aklat sa Cavite noong panahanong iyon. Ginawa rin itong tagpuan ng mga Katipunero.


· Bago nadiskubre ng mga Kastila ang Katipunan, pinlano ni Emilio Aguinaldo na lusubin ang Fort San Felipe. Inatasan niya ang ilang Katipunero na maghanap ng mga bagong kasapi para maging mapadali ang paglusob.

· Napagkasunduan ng Katipunan na armahan ang mga preso ng provincial jail.

· Si Lapidario ang naatasang udyukin ang mga preso na umanib sa Kilusan.

· Si Aguado naman ang bahala sa pagbili ng armas.

· Agosto 26, 1896 – sinulatan ni Bonifacio si Aguinaldo tungkol sa pag-aaklas na gaganapin sa Bagumbayan (Luneta).

· Agosto 30, 1896 – Sa pamumuo ni Bonifacio, nilusob ng mga Katipunero ang imbakan ng pulbura ng mga Kastila sa San Juan. Idineklara ang Martial Law ng araw ding iyon sa mga probinsya ng Cavite, Laguna, Batangas, Bulacan, Pampanga, Tarlac at Nueva Ecija.

· Tinungo ni Aguinaldo si Cabezas at pinakiusapan itong sabihan si Lapidario na may iba pang paraan bukod sa pag-aaklas.

· Hindi nga muna natuloy ang pag-aaklas at pinag-usapang muli ang susunod na mga hakbang. Sa kasamaang-palad, nalaman ng mga Kastila ang plano mula kay Victoriana Sayat, isang mananahi.

· Inaresto si Lapidario, Aguado at de Ocampo. Sila ay pinahirapan.

· Isiniwalat ni de Ocampo ang pangalan ng iba pang kasamahan at noong Styembre 3, 1986 ay inaresto rin ang mga ito kasama si Julian Felipe, na siyang nagkatha ng Lupang Hinirang paglipas ng isang taon.

· Pinakawalan si Felipe matapos ang siyam na buwan. Kasunod ring pinakawalan rin sina Pablo at Marcos Jose at Juan Castañeda.

· Setyembre 11, 1986 – Sa loob lamang ng apat na oras na paglilits, ang Trece Martires ay nahatulan ng kamatayan sa salang treason.

· Setyembre 12, 1986 – ang Trece Martires ay dinala sa Plaza de Armas, sa labas ng Fort Santiago at pinatay sa isang firing squad.


Taong 1954, isang bayan sa Cavite ang pinangalanang Trece Martires bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga ginoo. Pati ang 13 mga barangay nito ay ipinangalan rin sa apelyido ng bawat isa sa kanila.

About the author

Joefer Traya

Profession: Licensed Nurse
Philippines , Lanao del Norte , Iligan

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.