NILAGANG BAKA - Special beef recipe secret- TAGAPAGDALA NG MASASAYANG ALAALA, Paano paraan ng pagluto?

Rizza Marie Magbuhat-Edradan
is a Medical expert in Japan


Tag-ulan na naman sa Pinas, ito ang panahon na sadyang napakasarap na humigop ng mainit na sabaw. Para sa akin, isa sa pinakamasarap na masabaw na lutuing pinoy ay ang nilagang baka, lalo na yung may kasamang bulalo. Para sa akin ang nilagang baka ay tagapagdala din ng masayang alaala.

Napakasayang alalahanin na kapag araw ng Linggo sa aming tahanan, magpapaluto ang aking ina ng nilagang baka na may kenchi at may isa o dalawang kalahok na bulalo, naaalala ko pa kung paano kami mag-unahan ng aking mga kapatid sa kakaunting bulalo. Ang pagkuha ng utak o bone marrow ay parang nagiging isang seremonya na inaabangan ng lahat...nariyang itaktak ito sa plato at minsan kailangan na itong sundutin ng tinidor. Masarap ding may sawsawan na kasabay ang nilagang baka; malamang tulad ko ang ginagamit ninyo ay toyo na may tinadtad na sili at pinigaan pa ng kalamansi. Kapag yan ang ulam, talaga naming napakasaya na ng araw ng Linggo.

Alam ba ninyo na ang paglalaga (boiling) ay isang paraan ng pagluluto na maituturing na sadyang sariling atin? Ang ating mga ninuno, bago pa dumating ang mga Kastila, ay naghahanda na ng nilaga gamit ang mga sangkap na makikita nila sa kanilang kapaligiran- tulad ng isda, baboy o baka, at lalahukan ng mga tanim nilang gulay. Simple lamang ang paghahanda at pagluluto ng nilaga sapagkat ilalagay lamang ang lahat ng mga sangkap sa isang kaldero at papakuluan gamit ang banayad na apoy. Iniiwasan na gumamit ng masyadong malakas na apoy sapagkat maaaring maging sobrang lambot ng laman kung ito ay isda, o maging masyadong matigas, kung ang gamit ninyo ay karne ng baka.

Kung iisipin, ang paglalaga ay isang mainam na paraan ng pagluluto lalo na nuong unang panahon. Sapagkat, kinakailangan isaalang-alang ng ating mga ninuno na buong barangay ang kailangan nilang pakainin. Kaya naman ang isang paraan ng pagluluto na simple, masarap at makakapagpakain ng madaming tao sa isang lutuan lamang ay siguradong patok. Upang maging naman sakto sa panlasa ng bawat miyembro ang nilaga, gagamit sila ng sawsawan tulad ng patis at bagoong.

Sa kasalukuyan, maaari nating mas pasarapin ang resipi ng nilaga sa pamamagitan ng pag-gisa ng sibuyas at bawang at pagsasakungtsa ng karne bago ito palambutin. Ang paraan na nabanggit na hango sa mga Kastila, ay nagbubunga ng nilaga na mas malinamnam o mas may umami.

Nais kong ibahagi sa inyo ang isang resipi ng nilagang baka na hango sa aklat na “Flavors of the Philippines” ni Glenda Rosales-Barreto.

 

Ano ang Nilagang Baka Recipe, Sangkap, Sahog?

  • Ihanda ang mga sangkap:
  1. 1 kilo ng bulalo
  2. ½ kilo laman ng baka (kenchi)
  3. ¼ kilo ng sibuyas, hinati sa apat
  4. Isang kutsarang pamintang buo
  5. Asin, depende sa panlasa
  6. ½ kilo mais, hinahati-hati
  7. 300 grams pechay,hinati-hati
  8. 300 grams repolyo, hinati sa apat
 
  • Paraan ng Pagluluto:

1. Ilagay ang baka, asin, at pamintang buo sa kaldero. Lagyan ng tubig na sapat lamang upang matakpan ang mga sangkap;


2. Pakuluan ang mga sangkap at kapag ito ay kumulo na, pahinaan ang apoy at iluto hanggang lumambot ang karne ng baka (maaaring abutin ito ng limang oras depende sa karne);


3. Kapag malambot na ang karne, idagdag ang mais at iluto ng 20 minutos. Matapos nito, ilagay ang repolyo at pechay at iluto ng mga 10 minuto. Maaari nang ihain ang nilagang bulalo pagkaluto ng repolyo at pechay.

* Paalala: Upang maiwasan ang pangingitim at pagkakaroon ng malakas na apoy ng repolyo, iwasan ang sobrang pagluto ng gulay, at huwag takpan ang kaldero habang niluluto ang repolyo at pechay.

Ano pa ang inaantay nyo? Tayo ng magluto ng nilaga at patuloy tayong gumawa ng masasaya at tunay na masarap na alaala kasama ang ating pamilya. Mayroon ba kayong masarap na resipi ng nilagang baka? Maaari nyong i-share dito sa buhayofw.com

 

Ang larawan sa itaas na bahagi ay mula sa www.filipino-food-lovers.com

 



COOKING TIPS FOR BEGINNERS, Food safety preparation

Without basic cooking skills, even the simplest dishes can blow up in the face of a less experienced person, and then your face won't look very good because it'll be covered in tomato sauce and failure. Some of us grew up in the kitchen with our parents and lolos and lolas (grandparents), learning the secrets of treasured family recipes. And years later, all grown up, we are at ease trying new recipes, creating our own versions, and happily sharing the creations with family and friends.

For starters, it is very important to wash them thoroughly with soap and warm water before cooking, after touching the bin, going to the toilet, and after touching raw food.

Raw meat, including poultry, can contain harmful bacteria that can spread easily to anything it touches. This includes other food, worktops, tables, chopping boards and knives.

When choosing the recipes and ingredients, you have total control over what you are eating.

Start out by choosing an easy recipe with just a few ingredients. Learn one really good dish (or simple menu) start-to-finish.

Pat the meat dry before adding it to the pan – the less moisture on the outside, the better chance that you'll have a crisp crust on the outside. Cooking food at the right temperature will ensure that any harmful bacteria are killed. cut into the middle to check that the meat is no longer pink, the juices run clear and steam is coming out.

The foods below need to be cooked thoroughly before eating: Poultry (chicken, manok, including chicken liver), pork (including offals, intestines, liver) burgers, sausages

Familiarize yourself with basic cooking terms by reading cookbooks or watching cooking shows.

Follow the instructions in the recipe as closely as possible the first time. You can then modify it to your taste preference when you make it again.

Have everything ready before you start cooking, including having ingredients measured out.

Another important tip for a beginner cook is to clean as you work. When you leave your workspace a mess with leftover ingredients, trash, etc., you tend to forget what it is that you're working on

Cooking is all about having fun, experimenting, and enjoying the process. Even the best cooks have recipes that fail.

About the author

Rizza Marie Magbuhat-Edradan

Hi kababayan! I'm Cherry, a registered Nutritionist-Dietitian of more than 10 years and highly experienced and skilled in Nutrition Counseling, Menu Planning & Food Preparation, Food Safety and Education. You can also check my blogs for more food and nutrition-related information: https://www.facebook.com/pages/Cherry-RND-Rizza-Marie-T-Magbuhat/158622890946946?fref=ts http://cherryeatsandthinks.tumblr.com/
Profession: Registered Nutritionist-Dietitian
formerly of the University of the Philippines-Diliman
Office Address: Okinawa, Japan
Japan , Okinawa , Okinawa

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.