Ang pag-vibrate o pag-nginig ang lumilikha ng tunog. Ang mga pag-nginig na ito ay mahihiwatig ng ating mga tenga at ipinapasa sa ating utak. Ang ating utak ang syang magsusuri sa mga senyas na ito at kung anong klaseng tunog an gating naririnig (tulad ng pagtunog ng alarm clock, pagbusina ng sasakyan, at iba pa). Naiiba ang musika sa kahit ano mang tunog dahil sa mga katangian nito.
Kapag nakinig ka sa isang klase ng musika, mapapansin na ito ay may iba’t ibang katangian; maaaring mahina o malakas, mabagal o mabilis, may iba ibang instrument at may regular na indayog. Lahat ng ito ay mga “element ng musika.”
Pitch o tono o tinis (mataas o mababa): Ang pagkakabuo ng iba ibang pitch na may ayos ay naglilikha ng scales; ang mga naglalarawan sa scales ay: major/minor, chromatic, gapped, pentatonic.
Rhythm o ritmo – ang elemento na naglalarawan sa tiyempo o kumpas ng musika. Ito ay naiuugnay sa pulso o tempo na naisasaayos sa metro (o time signature). Ang metro ang nag-aayos ng kumpas sa grupo, karaniwan sa dalawa o tatlo; ang kumpas ay nahahati sa maliit na pangkat na karaniwan ay 2,3, o 4.
Melody o melodiya o himig, ay kombinasyon ng tono at ritmo (tyempo sa iba). Minsan ang melodiya ang nagiging tema ng isang komposisyon. Maaaring ang katangian ng melodiya ay ang ayos at ang pagitan at saklaw nito. Ang melodiya na gumagamit ng maliliit na saklaw ay tinatawag na conjunct melody. At ang melodiya na gumagamit ng malalaking saklaw ay disjunct melody. Ang motif (o motive) ay alinman sa maikling melodiya o katangi-tanging bahagi ng mahabang melodiya. Ang halimbawa ng “motific cell”ay ang unang apat na nota sa Beethoven's Fifth Symphony.
Timbre o uri ng tono – ang kalidad ng isang tunog; ito ang nagpapakita ng kaibhan sa mga instrument, at sa kaibhan ng patinig (halimbawa, mahabang “a” o “ee”). Ang mga termino na maiuugnay sa timbre sa salitang Ingles ay bright, dark, brassy, reedy, harsh, noisy, thin, buzzy, pure, raspy, shrill, mellow, strained. Iniiwasan na ang gamitin na pang-ugnay sa timbre ang mga emosyonal na termino (excited, angry, happy, sad, at iba pa); hindi ito ang kalidad ng isang tunog, ito ay epekto at interpretasyon. Sa halip na ilarawan ang timbre ng isang instrument sa ibang termino, mas maliwanag kung ang gagamitin na panglarawan sa timbre ay pangalanan ang instrumento kapag napag-aralan na ang pangalan at tunog ng ibang instrument.
Daynamiks – malakas o mahina. Ang komposisyon na mahina at malakas ay may malawak na daynamik. Ang daynamiks ay maaaring magbago pabigla bigla o paunti unti (crescendo, papalakas, or decrescendo, papahina.)
Texture-monophonic(isang boses o linya),
polyphonic (dalawa o maraming boses, karaniwan ay magkapareho, halimbawa ay Renaissance o Baroque kontrapunkta)
homophonic (1. Himig na may simpleng saliw; 2. chords sa parehas na ritmo (homorhythmic))
heterophony – “mixed” or iba ibang magkakaparehas na bersyon ng melody na sabay sabay na tinugtog (bihira sa musika ng European; posibleng tinutugtog sa Ancient Greece)
collage – juxtaposition at superimposition ng iba ibang textures o tunog