Isang araw, nakasalubong ni Kuneho si Pagong.
Pagong: Magandang Umaga Kuneho.
Kuneho: Hoy! Pagong napaiksi ng paa mo at ang bagal mo pang maglakad.Ha ha ha
Pagong: Mabagal nga akong maglakad pero sinisiguro ko sayong matatalo kita sa paligsahan. Subukan nating magkarera paakyat sa tuktok ng bundok pagsikat ng araw bukas.
Kuneho: Aba!!! Hinahamon mo ba ako? Sige! Tinatanggap ko ang iyong hamon.
Masaya si Kuneho. Nasisiguro niya na siya na ang mananalo dahil alam niyang makupad si Pagong. Tinawag niya ang kanyang mga kaibigan.
Kuneho: Palakpakan ninyo ako kapag nakarating na ako sa tuktok ng bundok.
Maaga pa lang ay nasa paanan na ng bundok ang mga hayop upang makita ang paligsahan.
Ibinaba ng Agila ang kanyang kanang kamay bilang hudyat na simula na ng paligsahan.
Maraming naawa kay Pagong. Sumisigaw ang kani-kanilang mga kaibigan.
Kaibigan ni Pagong: Sige Pagong bilisan mo, kaya mo yan.
Kaibigan ni Kuneho: Talo na si Pagong. Napakabagal niya kasi.
Malayo na ang naakyat ni Kuneho kaya’t tatawa-tawa siyang huminto muna.
Kuneho: Mahihirapan kang abutan ako. Magpapahinga muna ako. Ha! Ha! Ha!
Pinilit pa rin ni Pagong na umusad kahit ang bagal niyang maglakad.
Pagong: Kailangang makaakyat ako sa tuktok ng bundok.
Habang pawisang naglalakad si Pagong ay natanaw niya si Kuneho na mahimbing ang pagkakatulog.
Pagong: Kaunting hirap na lang at mararating ko din ang tuktok ng bundok.
Palubog na ang araw nang maalimpungatan si Kuneho.
Kuneho: Naku! Isang metro na lang ang layo ng Pagong sa tuktok ng bundok. Kailangang mauunahan ko siya.
Mabilis na tumakbo at palundag-lundag si Kuneho papunta sa tuktok ng bundok upang maunahan si Pagong. Ngunit sa kasamaang palad hindi pa rin niya naunahan si Pagong na nagwagi sa kanilang karera.
Lesson: Huwag maliitin ang kapwa dahil bawat tao ay may angking talino. Huwag magsalita ng tapos at hindi dapat maging mayabang. Sa bawat ginagawa iwasang maging kampante lalo na’t hindi pa ito natatapos. Kapag may tiyaga may nilaga. Determination is one of the key to success.
Hindi matanggap ni Kuneho ang kanyang pagkatalo kaya niyaya niya ulit si Pagong na makipagkarera sa kanya.
Pagong: Sige, Kuneho pumapayag ako sa iyong hamon.
At ulit nga silang nagkarerang dalawa.
Kuneho: Ewan ko lang kung matalo mo pa ako ulit.
Matuling tumakbo si Kuneho hanggang sa malayo na ang kanyang narating, hindi niya na matanaw si Pagong ngunit nagpatuloy pa rin siya hanggang marating ang finish line. At si Kuneho nga ang nanalo sa kanilang laban.
Lesson: Marunong tumanggap ng pagkatalo dahil darating ang araw na mananalo ka rin basta may sipag na kasama. Sa bawat pagsubok na dumadating sa buhay ng tao huwag magpadaig sa kalungkutan, sabi nga nila kapag nadapa, bumangon. Kapag nadapa ulit, bumangon ulit hanggang sa maging matatag sa anumang laban o problema na haharapin at magtagumpay
Dahil sa inis ni Pagong, siya naman ang humamon ng Rematch kay Kuneho.
Pagong: Kuneho! Kung magaling ka nga mag-rematch tayo. Patututnayan ko sayo na ako ang panalo sa laban natin.
Kuneho: Nagpapatawa kaba Pagong? Nakatsamba ka lang ng una kaya nanalo ka. Pero sige! Tinatanggap ko ang hamon mo.
Agad na kumaripas ng takbo sa Kuneho upang masiguro niyang mauunahan nga niya si Pagong. Ngunit sa sobrsng bilis ng kanyang pagtakbo hindi niya namalayan na siya ay nagkamali ng liko. At don siya nakaisip ng “Bright Idea”. Gumawa ng arrow na “This Way” kung saan nakaturo ito sa ilog si Kuneho.
Kuneho: Hehehe ewan ko lang kung hindi magkanda ligaw ligaw itong si Pagong. Kung nawala ako sa daan papuntang tuktok ng bundok mas maliligaw si Pagong. Iikot na lang ako papunta sa Finish Line.
Sa kagustuhan na mailigaw ni Kuneho si Pagong naging short cut pa ito papuntang tuktok ng bundok at magaling lumangoy si pagong kaya mas lalo siya napabilis. Masayang nakarating sa finish line si Pagong dahil naunahan niya si Kuneho.
Kuneho: Ang daya mo naman Pagong hindi mo sinabi sa akin na magaling ka pala lumangoy.
Pagong: Aba! Aba naman! Bakit ko sasabihin sayo na magaling ako lumangoy?? Ngayon napatunayan na natin na mas magaling nga ako sayo.
Lesson: Huwag manlinlang ng kapwa dahil mas higit o sobra pa ang darating sayo, na tinatawag na “KARMA”. Sa kahit anong aspeto o bagay hindi maganda ang mandaya ng kapwa dahil sa mata ng tao at higit sa lahat sa mata ng Diyos ito ay mali.,
Habang nagtatalo sina Pagong at Kuneho agad na dumating ang Agila.
Agila: Huwag na kayong magtalo, may pagtitipon sa darating na Linggo sa ganap na alas otso ng umaga sa gubat. May malaking paligsahan na magaganap, tinatawag itong “Pair Racing Competition”.
Agad na iniwan ni Agila ang registration form sa dalawa, sabay alis.
Kuneho: Gusto mo sumali tayong dalawa Pagong?
Pagong: Oh! Sige Sali tayo kasi nakapag ensayo na din naman tayo.
Sumapit ang araw ng Linggo at sumali nga ang dalawa. Mabilis na tumakbo si Kuneho habang pasanpasan niya si Pagong sa kayang likod. Tuwang tuwa silang dalawa dahil sila ang nangunguna sa paligsahan.
Kuneho: Tara! Magpahinga muna tayo, ang laki naman ng agwat natin sa kanila.
Pagong: Ayan kana naman Kuneho, gusto mo mangyari ulit ang nangyari sayo?
Kuneho: Alam ko na, ililigaw na lang natin sila para siguradong tayo ang uuwi ng malaking tropeo.
Pagong: Hay Naku! Kuneho kaya lagi kang napapahamak dahil sa masamang balak mong yan. Basta ipagpatuloy nalang natin ang pagtatakbo.
Dahil sa mabilis na pagtakbo ni Kuneho at sa pagiging mabuti ni Pagong, sila ang unang nakarating sa Finish Line. Tuwang tuwa ang dalawa sa natanggap na premyo at simula non naging matalik na kaibigan na ang dalawa at lagi na silang sumasali sa mga paligsahan.
Lesson: Two heads are better than one. The weakness of another can be strength of another. Let’s help each other by keeping ourselves in the right path. Do not deceived by laziness and cheating, it can make you lose your purpose or victory.
Best to do:
1. Know your ambition or objective.
2. Do not stop.
3. Pray. God knows you can do it.
4. Find people who will help you to be a good person not to be down. But if you find a person who doesn’t do well, DO NOT LEAVE. Remember, it is your chance to save soul. It is not an accident to be in that person. God puts you there for a reason. And that reason is to share your faith. Do not overdo it also because you can’t change a person. All you can do is, support him/her to know God and God will do the rest.