BULUTONG O CHICKEN POX: GAANO KATAGAL MAWALA? ANO BAWAL AT MABISANG GAMOT SA BULUTONG Tubig? Paano maiwasan

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ano ang Bulutong o Chicken Pox?
Ang bulutong ay isang sakit na galing sa virus na tinatawag na Varicella zoster virus. Ito ay kabilang sa pamilya ng virus na tinatawag na herpes. 

Ano ang Nakakahawang sakit na Bulutong tubig (Palukpok)?

Ang chicken pox o “bulutong” sa Tagalog ay isa sa pinaka-karaniwang sakit na nakukuha ng mga bata. Bago pa nadiskubre ang bakuna laban sa bulutong, milyun-milyon na ang naahawan nito. Madaling kumalat at makahawa ang chicken pox. Kapag may isang miyembro ng pamilya ang nakakuha sa bahay, madalas tiyak na mayroon isa ang mahahawaan o lahat ng miyembro ay magkaka-bulutong. Noong dating panahon, kadalasan halos lahat ng tao ay nagkaka-chicken pox bago sila lumagpas sa pagbibinata o pagdadalaga. Ngayon, malaki ang binaba ng mga kaso kumpara noong mga nagdaang taon buhat na rin ng naimbentong bakuna. Basahin pa: Mga dapat malaman pag may bulutong ang anak...

Sino ang nagkakaroon ng bulutong?
Kahit sino ay maaaring magkaroon nito. Bata man o matanda, ito ay walang pinipiling edad. Kadalasang nauuso ang sakit na ito sa tuwing panahon ng tag-init. 

Sino ang maaring mahawa nito? 
Sino man ang hindi pa nagkakaroon nito ay maaring mahawa kung sila ay may nakasamang tao na may bulutong o shingles. Kahit sinong malusog na bata o matanda na dadapuan ng chicken pox virus ay magiging masama ang pakiramdam sa loob ng ilang araw ,subalit bihira naman itong magkaroon ng komplikasyon. Ngunit ang mga tao na may problema sa kanilang resistensya ( halimbawa mga may HIV, leukemia o ibang kondisyon na nakakapaapekto sa resistensya), bagong panganak na sanggol (na kung saan ang nanay ay may nakasamang may bulutong nung siya ay pinagbubuntis pa) at matatanda ay maaring magkaroon ng pneumonia dahil sa komplikasyon ng bulutong.

Maari pa bang magkaroon ng bulutong ang taong nagkasakit na nito? 
Kalimitan, isang beses lang nagkakaroon ng bulutong ang isang tao sa buong buhay nya. Subalit ang impeksyon ay maaaring maulit bilang Herpes zoster (shingles) sa pagtanda o minsan maging ang bata ay nagkakaroon nito. 

Pano kumakalat ang bulutong? Pano ito nakakahawa?
Ang bulutong ay maililipat sa ibang tao sa pamamagitan ng direktang pagdikit sa taong may sakit, sa pagkalat ng virus sa hangin o kapag mahahawakan ang dura o sipon ng taong may bulutong. Nakakahawa ang mga paltos o butilig dulot ng chicken pox. Ngunit pagkaraan ng mga 2 linggo kung saan ang mga langib ng sugat ay natuyo at magaling na, kadalasang hindi na ito nakakahawa.

Ano ang Dahilan o Sanhi ng bulutong tubig at paraan ng paghawa / transmission?
Ang chicken pox ay dala ng Varicella zoster virus at lubos na nakahahawa. Tulad nang nauna nang nasabi, umaabot ng 90 percent ng taong hindi pa nagkaka-chicken pox ang may tsansang mahawa kapag may isang miyembro sa bahay ang nakakuha nito. Ang virus ay napapasa sa pamamagitan ng contact sa mga butlig (paltos o blisters), at pati na rin sa paglanghap ng kontaminadong patak mula sa pag-ubo o paghatsing ng taong may chicken pox.

Ilang araw bago mawala ang bulutong? Hanggang kailan dapat antayin bago mawala?
Ang taong may chicken pox ay makakahawa sa iba mula sa una at ikalawang araw na nagsimula ito hanggang sa limang araw matapos matuyo ang mga sugat ng bulutong.
Read more: Posible bang bumalik o magkaroon ng bulutong?

Ano ang Senyales, Palatandaan o Sintomas ng Bulutong?
Ang mga “blisters” o paltos / butlig ng bulutong ang pinaka karaniwan na sintomas ng chicken pox. Ang iba pang nararamdaman ng may bulutong ay ang sinat (hindi mataas na lagnat) mga isa o dalawang araw bago mawala ang mga pantal pantal o rashes, panghihina ng buong katawan, ubo, kawalan ng ganang kumain, at pagsakit ng ulo. Dumadaan ang pagsulong ng sintomas sa tatlong antas o anyo. Ito ay ang pag-usbong ng pinkish o mapupulang umbok (“papules” kung tawagin) na kumakalat sa katawan sa loob ng ilang araw. Ang ikalawang yugto ay ang pagbuo ng likido ng mga papules na ito (tinatawag na “vesicles”) na maaaring pumutok at tumulo. At ang huling yugto nito ay magkakaroon ng pagbabalat at pagtuklap ng nababakbak na langib (crusts at scabs). Ang mga ito ang bumabalot sa paltos at bumibilang ng ilang araw bago gumaling.
Kapag ang isang tao ay nagkaroon na ng bulutong, ang virus ay nanatili sa katawan. Ito ay isang klase ng immunity o maiging paraan ng katawan upang hindi na magkakaroon pa ng chicken pox sa susunod na pagkakataon. Subalit, sa sampu hanggang dalawampung porsyento ng populasyon, ang virus ay maaaring bumalik sa edad na 50 pataas at magdulot ng “shingles”. Ang shingles ay may dalang pamamanhid at pagkirot ng maraming parte ng balat. Sa loob ng tatlo hanggang apat na araw, may kumpol-kumpol na parang paltos o parang may tubig na sugat ang lalabas sa balat at maaaring tumagal ng dalawa hanggang talong linggo.
Read more: Bawal ba mag-sex kapag may bulutong?

Gaano kabilis makikitaan ng simtomas o sintomas ang nahawa nito?
Ang mga simtomas ay kadalasan lumalabas sa loob ng 14-16 na araw matapos dapuan ng virus, pero maari din na umabot hanggang tatlong lingo.

Hanggang kailang maaring makahawa ang taong may bulutong?
Ang pasyente ay maaring makahawa sa loob ng isa hanggang dalawang araw  (hanggang limang araw) bago ang paglabas ng mga butlig hanggang sa limang araw pagkatapos ito maging langib. Mas madaling mahawaan ang mga taong mahina ang resistensya.

Ano-ano ang mga komplikasyon na dulot ng bulutong?
Halos sa 10,000 ang naoospital at 100 ang namamatay dahil sa bulutong kada taon.

Mayroon bang bakuna laban sa bulutong?
Mayroong bakuna panlaban sa bulutong. Inirerekomenda na pabakunahan ang batang may edad na 12-15 months at susundan ng booster shot kapag siya ay 4-6 na taong gulang para sa karagdagang proteksyon. Lahat ng bata ay kailangang mabakunahan bago pa tumuntong ng pang labintatlong taong kaarawan. Ang ibang mas nakakatanda na hindi pa nagkakaroong ng bulutong ay maaring din na magpabakuna. Maari din itong ibigay sa tao na nakasama ang taong may bulutong at maaring mahawa sa loob ng tatlong araw. 

Ano mga Bawal o Hindi Dapat Gawin?
·       Huwag magsuot ng masikip na damit. Ito ay maaring magdulot ng mas malalang iritasyon sa balat ng may sakit at mas magiging makati ang mga sugat.
·       Huwag na huwag ipapagamit sa iba ang anumang gamit ng pasyente para maiwasan ang pagkalat nito. Ang sinuman na gagamit ng mga bagay na ginamit ng pasyente ay may napakataas na porsyento na sila ay mahawa na magpapalala lang sa sitwasyon kung darami ang may sakit nito. Ihiwalay muna ang lahat ng gamit ng pasyente hanggang sa sya ay tuluyan ng gumaling.
·       Iwasan din ang pagkain o pag-inom ng malalamig. Ang pagkain ng malalamig ay maaring makapagpalala ng pangangati. Dagdag pa rito, ang malalamig na pagkain ay maari ring mas magpababa ng resistensya. May posibilidad din na magkaroon ng sipon o iba pang sakit dahil dito.
·       Huwag kamutin ang mga butlig para maiwasan ang pagkalat nito sa ibang parte ng katawang at mag-iwan ng malalim na peklat.
·       Huwag iwanan ang pasyente lalo na ang bata sa unang mga araw ng sakit. Iwasan ng ihalubilo sila sa ibang tao dahil lubha itong nakakahawa.
·       Huwag gumamit ng sabon na may matatapang na sangkap habang hindi pa lubusang gumagaling. 
·       Huwag bigyan ng gamot na may aspirin dahil maari itong maging sanhi ng sakit na tinatawag na Reye''s Syndrome sa kanyang pagtanda.  
·       Huwag basta dalhin sa doktor ang may sakit. Maaring makipag-usap sa doktor at humingi ng tamang oras ng pagpunta para makaiwas sa maraming tao.
·       Ang matatanda na maaring magkaroon ng shingles ay dapat ding umiwas sa may sakit. 

Kailan kukonsulta sa doctor?
Kung ikaw ay naghihinala o may suspetsang ang iyong anak ay mayroong chicken pox, kumonsulta na agad sa doctor. Siya ay maaaring magsagawa ng pagsusuri upang kumpirmahing chicken pox nga ang dinadanas ng iyong anak.

Ano ang mabisang gamot o paggamot, Lunas sa Bulutong? Treatment
Ang doctor ay maaari magreseta ng gamot upang mabawasan ang sintomas na dinadanas ng may sakit at maiwasan ang komplikasyon. May mga komplikasyon na dapat tayong maging mapagmatyag tulad ng ang blister ay kumalat patungo sa mga mata, ang rash ay sobrang umiinit, namumula at masakit hawakan – maaaring senyales ito ng bacterial infection, ang rash ay may dalang pagkahilo, pagkawala sa sarili, pagbilis ng tibok ng puso, hirap sa paghinga, tremors, pagkawala ng kontrol sa mga muscles, pagsusuka, paggrabe ng ubo, o masyadong mataas na lagnat. Kung maaari rin ay ilayo ang mga buntis sa may mga bulutong. Ang pagkakaroon ng chickenpox sa mga unang buwan ng pagbubuntis ay maaaring magdulot ng ibat-ibang problema sa sanggol tulad ng mababang timbang at birth defects. Ang iyong doktor ay maaaring magreseta ng pampawala ng kati tulad ng diphenhydramine (Benadryl), o uminom ng paracetamol para sa lagnat. Huwag magpapainom ng aspirin sa may chicken pox dahil nagdudulot ito ng drug-to-drug interaction. Sa huli, pinaka maigi pa rin ang kumunsulta sa doctor.
Read more: Pwede bang lumabas ng bahay kapag may bulutong?

Ano ang mga maaaring gawin upang maiwasan ito kumalat?
Ang pinakamabisang paraan ng pag-iwas sa pagkalat ng bulutong ay ang pananatili sa loob ng bahay ng taong may sakit upang maiwasan na mahawa ang mga taong makakasalamuha nito. Sa oras na may makitang simtomas ng bulutong, pinapayuhan na huwag ng lumabas ng bahay sa loob ng isang linggo o hanggang sa ang mga sugat ay tuluyan ng matuyo. Iwasan din na mahawa ang mga bagong panganak na sanggol na hindi pa sapat ang resistensyang panlaban dito at ang ibang mga pasyente na mahina din ang resistensya. Ang lahat ng hindi pa nagkakabulutong ay pinapayuhan na magpakuna para maiwasan ang sakit na ito. Marami na ding epektibong gamot panlaban dito. 

Ano halamang gamot na makikita sa loob ng bahay? Pangontra at Prevention o paano maiwasan ang bulutong?
Upang maibsan o mapaginhawa ang mga sintomas ng chickenpox (palukpok o bulutong), sundin ang mga tips na ito. Huwag kamutin ang mga blister o paltos. Ang pagkamot ay makakadulot lamang ng scarring, matagal na paggaling ng peklat at mataas na porsyente na ang scars ay maimpeksiyon. Kung hindi kayang hindi magkamot, magsuot ng gloves o putulin ang mga kuko. Para maibsan ang balisa na dulot ng chicken pox, pwedeng subukan ang pagbabad sa malamig na tubig (cool bath) na may halong baking soda. Lagyan ng calamine lotion ang mga nangangati. Itinatagubilin na magpatingin sa doktor ang mga may chicken pox. 

Ano ang mga paraan para maiwasan ang paglala ng bulutong? 
·       Hangga’t maari ay iiwas ang mga tao na may mataas na posibilidad ng komplikasyon sa pagkakaroon ng bulutong. 
·       Pabakunahan laban sa bulutong ang maaring mahawa nito. 
·       Ang kasalukuyang bakuna na ginagamit panlaban sa bulutong ay hindi nirerekomenda kung nadikit na sa taong may bulutong. Subalit may mga patunay na nagpapakita na kung ito ay maiibibigay agad sa loob ng tatlong araw mula ng masama sa taong may sakit, ay naiiwasan nito makahawa. 
·       Ang mga batang may bulutong ay hind dapat payagan na pumasok sa paaralan hanggan sa anim na araw matapos matuyo ang sugat ng butlig.
·       Ang mga bata o mga tagapag-alaga ay dapat na maghugas ng kamay matapos mahawakan ang mga sugat. 
·       Ang mga institusyon na maaring nagkaroon ng pasyente na may bulutong ay dapat alamin ang naging dahilan nito para sa posibleng gamutan at maiwasan na mahawa ang iba.
·       Ang mga taong tagapag-alaga ng may sakit o yung mga nagtatrabaho sa lugar na may mataas na posibilidad ng pagkakasakit ng bulutong ay dapat alamin ang kakayahan ng kanilang katawan upang labanan ang sakit na ito.
(Last reviewed 31 December 2018)

References:
Centers for Disease Prevention and Control. (2018, December 31). About chicken pox. Retrieved from https://www.cdc.gov/chickenpox/about/index.html

Mayo Clinic. (2019, February 27). Chicken pox. Retrieved from https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/chickenpox/symptoms-causes/syc-20351282

SA Health, Government of South Australia. (n.d.). Chicken pox and shingles - including symptoms, treatment and prevention. Retrieved from
https://www.sahealth.sa.gov.au/wps/wcm/connect/public+content/sa+health+internet/health+topics
/health+conditions+prevention+and+treatment/infectious+diseases/
chickenpox+and+shingles/chickenpox+and+shingles+-+including+symptoms+treatment+and+prevention



Read more: Buntis ako ng 6 months at may bulutong. Ano epekto sa anak ko?
Masama ba sa buntis ang magka bulutong?

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
May chickenpox po anak ko. Sabi ng kapit-bahay namin pinaka nakakahawa daw ang bulutong pag pagaling na siya. Totoo po ba?
Medical Team
is a Medical expert in United States
Ang pinaka-nakakahawang panahon ay mula isa hanggang dalawang araw bago lumabas ang rashes. Ngunit maaari ka pa ring makakuha ng chickenpox sa mga taong nag-crust na iyong mga bulutong. Ito ay karaniwang mga lima hanggang anim na araw matapos lumabas ang mga rashes ng chickenpox.
Ang chickenpox ay dulot ng varicella zoster virus at karaniwang napapasa sa pamamagitan ng hangin kapag umubo o humatsing. Maaari mo ring makuha ang virus sa pamamagitan ng kontak sa infected na damit o iba pang kagamitan.
Kapag ikaw ay may chickenpox, marapat na lumayo sa mga taong hindi pa nagkakasakit nito, lalo na kung ang tao ay :
• Buntis
• Bagong silang na sanggol
• At iyong mahihina ang pangangatawan (tulad ng may mga HIV/AIDS, o iyong mga umiinom ng mga gamot na nagpapahina sa immune system)
Hindi na kailangang bumisita pa sa doktor maliban na lamang kung ang sintomas ay malubha at ikaw ay may komplikasyon. Huwag munang papasukin sa eskwela ang mga bata ng mga limang araw matapos lumabas ang mga rashes o kaya’y kapag ang mga “crusts” ay nawala na. Ito ay makakatulong upang hindi niya makalat ang chickenpox.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Pwede po ba akong lumabas ng bahay kung merong chickenpox? Paalis po sana ako sa abroad
Medical Team
is a Medical expert in United States
Hindi, dahil nakakahawa ito. Isa pa, ang paglalakbay sa himpapawid ay hindi pinapayagan hanggang anim na araw matapos ang pinakahuling paglabas ng bulutong.
Ang chickenpox ay nakakalat sa hangin ng apektadong may sakit sa simpleng pag-ubo o paghatsing. Dahil dito, ang paglalakbay sa eroplano kung ikaw ay may chickenpox ay naglalagay sa iba sa tsansang makuha ang chickenpox virus. Dapat maghintay hanggang ang lahat ng bulutong at nag-crust o natuyo na bago lumipad sa eroplano. Ito ay karaniwang lima hanggang anim na araw pagkatapos lumabas ang chickenpox rash.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Meron akong bulutong. Kailangang po ba iwasan ibang tao para hindi mahawaan, at gaano katagal?
Medical Team
is a Medical expert in United States
Oo, may mga tao na kailangan mong iwasan kung ikaw ay may chickenpox. Umiwas at lumayo sa mga taong hindi pa nagkakaroon ng chicken pox, lalo na ang mga buntis, bagong panganak na sanggol, at iyong mahihina ang immune system.
Ang panahon na pinaka-nakakahawa ang may chickenpox ay mga isa o dalawang araw mula nang naglabasan ang rash. Subalit, maaari mo pa ring mapasa ang chickenpox hanggang sa oras na natuyo nang lahat ang mga bulutong. Ang mga buntis, maliliit na sanggol, at may mahihinang immune system ang karaniwang nagkakaroon ng komplikasyon nang dahil sa chickenpox.
Kung ikaw ay nagbubuntis at nagkaroon na ng chickenpox noon, maaari kang magkaroon ulit nito at ang iyong sanggol ay ligtas mula sa virus. Subalit, kung ikaw ay nagbubuntis at hindi pa nagkaroon ng chickenpox noon at nakakuha ka nito, may maliit na tsansa na madelikdo ang iyong hindi pa nasisilang na sanggol. Ang tsansang ito ay mas tumataas pa sa mga unang buwan ng pagbubuntis ng ina.
Ang chickenpox habang nagbubuntis ay nakakataas rin sa tsansa ng komplikasyon. Ito ay tumutukoy sa “pneumonia” o infection sa baga, “hepatitis” o pamamaga ng atay at “encephalitis” o pamamaga ng utak”.
Kailangang malaman ng ibang tao na ikaw ay may chickenpox upang hindi na sila masyadong lalapit pa sa iyo kung hindi pa sila nakakaranas nito noon. Lumayo rin sa matataong mga lugar hangga’t hindi pa natutuyo o namamatay nang lubusan ang iyong bulutong.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Nagka-chickenpox na mga anak ko, at nagkaroon na rin ako nito. Posible pa po bang magkaroon kami ulit ng bulutong?
Medical Team
is a Medical expert in United States
Kapag nagka-chickenpox ka na nang isang beses, malamang hindi mo na ito mararanasan pang muli habang buhay. Ibig sabihin nito ay maaaring hindi ka na makakuha pa nito muli. Magkakaroon ng maliit na tsansang makakuha ka ng chickenpox nang mahigit sa isang beses kung ang iyong resistensya ay mahina. Kapag ikaw ay nagkaroon na ng chickenpox, maliit ang tsansang makakuha ka nito mula sa iyong mga anak at nangangahulugang hindi mo ito mapapasa sa iba.
Kapag ikaw ay gumaling na mula sa chickenpox, ang virus ay nanatili na sa iyong katawan, na nagpapahinga o nagtatago lamang at hindi magdadala ng problema. Ang tsansang makakuha ng chickenpox ng hihigit sa isang beses ay hindi pangkaraniwan. Subalit, sa paglipas ng ilang taon, ang virus ay maaaring mabuhayan ulit. Ito ay nagdudulot ng “shingles”, na hindi nalalayo sa chickenpox at dala rin ng parehong virus na sanhi ng chickenpox.
Joseph  Soriano
is in the Philippines
My chicken pox po aq ngaun,sobrang dami po ung lumabas po sa aken at Panay akong nilalagnat..ano po dapat kung gawin?
Tess Delacruz
is in the Philippines
Hello po,bawal po ba mahanginan ang taong may shingles?
Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines
Walang masama na mahanginan kapag may sakit na shingles o kulebra.
Carla Reyes
is in the Philippines
Pwede ba akong mahawa ng bulutong kung 1 week ng magaling ang isang miyembro nga pamilya namen na may bulutong?
Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines
Kung tuyo na ang bulutong tubig ay di nakakahawa, ngunit kapag basa pa ito ay nakakahawa.
Nakakahawa na bulutong sa unang araw palang ng sakit hanggang mga 5-7 days o hanggang tuyo na ang lahat ng bulutong!

Joemarie Arroyo
is in the Philippines
Ang baby ko po may bulutong wala po ba akong pwede ibigay sa kanya ? Wala po xa gana kumain. Pwede po ba xa maligo ? Pwede ko bang lagyan ng ointment ang sugat pag nag sugat na ito ?
Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines
Ang bulutong ay kusang gagaling. Maaari siyang maligo ngunit iwasan ang sobrang init ng tubig, dahil nakakasama ito sa sa mga rashes. May mga nabibiling ointment para maibsan ang kating nararamdaman. Mas maigi din na lagyan ng gloves ang dalawang kamay ora na pagaling na ito, upang maiwasan ang pagkakamot.
Jolo Zetroc
is in the Philippines
Hi doc jen.saan po kau sa pasig? Nais ko po sanang magpakonsulta sa inyo about sa mga rshes na bigla nlng lumabas at ngaun ay ilang araw nrin po akong prang may sinat at my paunti-unting lumlbas na butlig na prng bulutong tubig.. Mrming slmt po
Anna Marie San Diego
is in the Philippines
Pwede po bang maligo sa pool ang may bulutong?
Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines
Hindi po ligtas maligo sa swimming pool ang taong may bulutong dahil maaari kang makahawa ibang tao na hindi pa nakaranas ng bulutong. Magkakaroon din ng impeksyon ang mga bulutong tubig mo.
Lyssa Villa
is in the Philippines
Pagka po ba may bulutong tubig bawal maligo o magbasa ng tubig? Pagka may bulutong tubig or hangin bawal po ba mahanginan ng fan or lumabas? Meron pamandin po kasi kaming swimming bukas :'( Pwede po kaya ako maligo sa swimming pool?
Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines
Maaari kang maligo pero hindi sa swimming pool. Malaki ang tyansa mo na makahawa sa ibang taong hindi pa nakaranas ng bulutong. Walang masama na mahanginan oras na may bulutong tubig.
Mildred Derdlim
is in the Philippines
Doc, pwede po ba maligo ang taong mnay bulutong? 2nd day po ng bulutong ko ang sabi ng parents ko di daw dapat maligo, kaso po sobrang init at feeling ko yun ang reason kung bakit lalong dumarami ang blizters ko. Pls reply.
Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines
Walang masama maligo kapag may bulutong, ngunit iwasang maligo sa sobrang init ng tubig.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hi doc. Buntis po ako ngayon 6 months & 3 weeks at mgkaroon po akong bulutong. My apekto po b yn sa anak ko? Slmat & gobless
Medical Team
is a Medical expert in United States
Kapag sa third trimester ng pagbubuntis ka nagkaroon ng chicken pox, malamang ayos din ang iyong baby. Dahil ito sa antibodies laban sa virus na ginagawa ng iyong katawan pagkaraan ng 5 araw ng nagkaroon ka ng chicken pox. Itong antibodies ay pinapasa mo sa iyong baby sa pamamagitan ng placenta, na nagbibigay ng proteksyon sa immune system ng baby mo.
Ngunit karaniwan kailangan pa ng madetalyeng ultrasound upang makasiguro kung mayroong signs ng problema, at sonogram para makita kung ok ang baby.
Yszai Misia
is in United Arab Emirates
doc ok lng po ba na gumamit g anti bacterial soap tulad ng sulfur soap ang taong me chicken fox? and maaari pa rin po ba mahawahan nito ang mga taong me anti vaccine na ng sakit na ito?
Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines
Safe gumamit ng mga antibacterial soap ang may taong may bulutong. Kung ikaw ay may anti vaccine na, may chance pa din na mahahawan ka nito. Ang pagkakaroon ng anti vaccine ay hindi nangangahulugang safe kana sa sakit, ito ay tumutulong upang may panlaban ka oras na magkakaroon ka. Or hindi maging malala ang sakit, mabilis lang gumaling at hindi gaano tubuan ng mga bulutong tubig.
Kayze Bebanco
is in the Philippines
hi doc..nag karoon po ng bulutong ang anak ko.posible pa po bang mahawa ulit ako kahit nagkaroon na po ako dati pero ndi ganun kadami.at ngaun po may nakikita po ako sa katawan ko mga pula na parang patubo na bulutong.ano po ang gagawin ko?.maaapektohan po ang work ko.sna matulungan nyu po ako..salamat doc
Noli Solis
is in United States
Anu po mabisang paraan para mawala agad ang bulutong .nagrereview po kasi ako ngayun para sa board exam..mahirap po kasing mag absent kasi .madaming subject akong malalagpasan...
Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines
Ang bulutong ay dahilan ng isang virus at kusang nawawala, hindi kailangan ng gamot sa mga karaniwang kaso ng bulutong. Ngunit mahalagang panatilihin ang kalinisan ng katawan habang may bulutong, upang hindi maimpeksyon ang mga butlig. Iwasan ding mainitan, mabanasan, o pawisan sapagkat maaaring lumala ang pangangati sa mga sitwasyong ito.
Jeric Sadicon
is in Italy
Pwede po bang maligo ang may bulutong? Kasi sabi nila bawal... yung sakin kaso po ay parang pagaling na kagad at di na pumutok ung iba... masama daw po iyun? Salamat
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Pwede po bang maligo ang may bulutong? Kasi sabi nila bawal... yung sakin kaso po ay parang pagaling na kagad at di na pumutok ung iba... masama daw po iyun? Salamat
Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines
Hindi masamang maligo oras na may bulutong. Ngunit iwasang maligo sa mainit na tubig.
Airies Cabrera
is in the Philippines
Ano po itsura ng chicken fox pag pagaling na?...pang 3 days ko na po kasi...
Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines
Natutuyo ang tubig na nasa loob ng bulutong. Makakaramdam ng pangangati, iwasan ang pagkamot sa parte na may bulutong upang hindi magkaroon ng peklat.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Meron po ako ngayon...ika 3 days ko na po...anu po ba itsura pag pagaling na?...bali ngayon ko lang po nakita na may maliliit...parang bagong sibol lang po...and anu po mga bawal kainin?...and pag galing na po pede na po ba ako agad magpadede?...kaka-anak ko lang po kasi...wala pa po 2 months baby ko...ibinote ko muna sya at ibinukod sakin tapos yung pinapump ko itinatapon ko po muna para po di ako maigahan ng gatas...
Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines
Bawal kainin ang mga malalansang pagkain dahil ito ay nakakadagdag ng pangangati. Ayon sa mga eksperto maaari magpadede ang ina sa bata kahit na siya ay may bulutong. Magsuot ng mask at tela upang maiwasang mahawakan ang sanggol.
Marcy Bernbe
is in the Philippines
totoo po bang bawal mahanginan or magpahanngin ang maay bulutong?
Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines
Walang masama kung mahanginan ang may taong bulutong. Ngunit mag-iingat lamang sa mga lugar na mausok at polusyon.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
totoo po bang bawal mahanginan or magpahangin ang may bulutong?
Marcy Bernbe
is in the Philippines
totoo po bang bawal mahanginan or magpahangin ang may bulutong?
WATCHI URSUA
is in the Philippines
ANO PO ANG MGA DAPAT AT HINDI DAPAT KAININ KAPAG MAY CHICKEN POX?
Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines
Iwasang kumain ng mga malalansa at mamantikang pagkain dahil ito ay nakakadagdag ng pangangati sa katawan.
Joanna Flores
is in the Philippines
Doc di kasi nmn alam kung kanino nahawa ung anak ko ng chicken fox u g una pinsan ng asawa ko nagkaroon dec 19 , 2016 nun lumabas ang bulutong sa pinsan ng asawa ko at dec 26 nagaroon sila ng direct contact ng anak ko at na-atsingan din sya.. then jan 01 pagaling nmn u g kapatid ko may bulutong pero wala sila direct contact dhil lumalayo kpatid ko bka dw mahawa anak ko twice lng nia nakasama sa isang bahay kapatid ko pero walang direct contact or pagubo or pag atsing na nagyrai tapos jan 02 2017 nmn nagkaroon nmn ung isa ko pang kapatid at wala rin direct contact na nagyari thos last week lng ng january sya nagpunta dito so matagal ng magaling ung bulutong ng kapatid ko...palagay mo doc kanino kaya nahawa anak ko
Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines
Ang pagkahawa ay hindi lamang sa paghawak ng taong may bulutong. Maaaring mahawa sa paglanghap ng hangi na may dala na virus. Upang makaiwas ugaliing maghugas mabuti at malinis sa katawan.
BITCH VILLANNUEVAV
is in the Philippines
how can i possible prevent this ?
Samantha Tiglao
is in the Philippines
Hello po, may bulutong po ang anak ko ngyon na 3 years old po. Pwd po ba ito mameklat? Ano po kaya ang maaring gawin para maiwasan na mameklat ito.. ano po din ba maari gawin para agad ito mwala? Nandito po kc ako sa malayo ngyon at kasama lang nya ang papa nya nag aalala po kc ako sana mabgyan nyo ako ng advice. Ty po!
Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines
Iwasan ang pagkamot sa parte na may bulutong tubig lalo na kung ito ay pagaling na. Kung magkakaroon ng peklat huwag mabahala dahil may mga cream na nabibili upang pampawala ng peklat.
Jemney Parr
is in the Philippines
Hi po doc sana po mapansin nyu ung message ko
Jemney Parr
is in the Philippines
At the age of 6 nagkabulutong na po ako
23 na po ako ngaun . May boyfriend po ako na ngaun palang nagka bulutong posible po babv mahawaan ulit ako ? Nangangati ngati po kc ako and may parang tumutusok sa balat ko ano po po bang pede kong gawin upang maiwasn ang pagdami o mapatay agad ang virus ? Inaasahan ko po ang iung kasagutan . Paalis po kac ako papyntang abroad . Salamat po
Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines
Isang beses lang sa buhay ng ta nagkakaroon ng bulutong. Subalit minsan ang infection ay hindi kaagad lumalabas. Maaari maulit pagtanda bilang shingles o kulebra. Hindi lamang sa matanda ito nagkakaroon, kundi maging sa bata.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
may chickenpox anak ko.... SA labas ng Pwerta niya halos ngsilabasan naawa po ako kc sobrang mkati Minsan kinakamot niya ng dko nkkta
Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines
Mas maigi na magpakonsulta sa doktor upang mabigyan kayo ng reseta para sa pangangati.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Paano ko po malaman kung may bulutong isang tao? Ano po senyales o sintomas na makikita sa kanya?
Medical Team
is a Medical expert in United States
Isa sa mga unang simtomas ng bulutong ay ang sinat o lagat, pagkahapo at panghihina. Susunod na lalabas ang mga makating butlig sa iba’t-ibang parte ng katawan. Matapos ang apat hanggang limang araw ay matutuyo ang mga butlig at magiging langib o scabs. Sobrang marami ang sugat na binibigay nito na kadalasan ay umaabot ng 300-400 sa isang tao. Kadalasan tumtutubo ito sa mga tagong parte ng katawan. Maari itong tumubo sa anit, kilikili o katawan. Pwede din nitong tubuan ang talukap ng mata pati na rin sa bibig. Posibleng magkaroon ng kaunting impeksyon ang batang dadapuan nito. Subalit kadalasan na nagiging malala ito kapag matanda na ng nagkasakit dahil sa mga peklat na maaring maiwan sa balat.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Ano po lunas o mabisang gamot sa bulutong para po gumaling kaagad? Gusto ko po kasi mawala kaagad mg a scabs na pangit tignan at nakakadiri. Hindi po ako makalabas o makipagkita sa ibang tao kasi po nakakahiya
Medical Team
is a Medical expert in United States
Hindi nirerekomenda na bigyan ng gamot ang isang malusog na bata na nagkaroon nito. Ang mga taong mahina ang resistensya ay binibigyan ng gamot o ng swero upang maiwasan ang anuman na komplikasyon na madudulot nito.

Sa kahit na anong sakit ang malusog na pangangatawan ang pinakamabisang panlaban para makaiwas dito. Ugaliin na kumain ng masustansyang pagkain para magkaroon ng sapat na bitamina ang ating katawan
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.