Ano itsura kagat ng Pulgas? Saan sakit, Paano iwasan, Sanhi, Sintomas, Senyales

Medical Team
is a Medical expert in United States

Masakit ang Mga Kagat ng Pulgas

Maliliit at nakakairitang insekto ang mga pulgas. Makati at minsan ay masakit ang kanilang mga kagat, at mahirap silang puksain. Minsan, kailangan pa ng propseyonal na pest control treatment.

Mabilis magpadami ang mga pulgas, laluna kung may mga alaga kang hayop sa bahay. Ngunit kahit pa wala kang mga alagang hayop, maaari ring mamugad ang mga pulgas sa iyong bakuran, at maaari kang magkaroon ng mga kataka-takang kagat.

Ituloy ang pagbabasa upang malaman kung ano ang mga kagat ng pulgas, at kung paano sosolusyonan ang problema sa pulgas.


Ano ang mga pulgas?

Ang mga pulgas ay maliliit na insekto. Hindi sila lumalaki nang mas malaki sa dulo ng bolpen, at iba-iba ang kanilang kulay—maaaring kulay kape o halos itim.

Wala silang mga pakpak, kung kaya nakakakilos sila sa pamamagitan ng pagtalon mula sa isang lugar tungo sa isa pa.

Madalas ay kailangan mong tirisin gamit ang iyong mga kuko o ipitin sa pagitan ng matitigas na bagay upang mapatay ang mga pulgas dahil sa maninipis at malapad na katawan, at matitigas na balat nila. Kapag mayroong isang pulgas sa isang lugar, malamang na marami pa nito sa paligid. Halos imposibleng mapuksa at maubos ang mga pulgos nang hindi gumagamit ng pesticide treatment.


Ano ang hitsura ng mga kagat ng pulgas?

Medyo kakaiba ang mga kagat ng pulgas. Nananatili silang maliit, hindi tulad ng kagat ng lamok. Kapag nakagat ka ng pulgas, maaaring makakita ka ng isa o higit pa sa mga sumusunod:

- Mga kagat na mukhang maliliit at pulang butlig

- Pulang “halo” sa paligid ng gitna ng kagat

- Tatlo o apat na magkakalapit na kagat, o mga kagat na nasa isang tuwid na hanay

- Mga kagat sa paligid ng bukung-bulong o sa mga hita

Karaniwan din ang mga kagat ng pulgas sa baywang, kili-kili, dibdib, singit, o sa mga siko at tuhod.


Ano ang mga sintomas ng kagat ng pulgas?

Nagpapakita ng ilang karaniwang sintomas ang mga kagat ng pulgas. Napakakati nila, at namamaga o nananakit ang balat sa paligid ng bawat kagat. Maaari ka ring magkaroon ng hives o mga pantal malapit sa kagat.

Dagdag pa dito, pwedeng masugat ang balat dahil sa sobrang pagkakamot at maaaring magkaroon ng sekundaryong bacterial infection dahil dito.

Iwasan ang pagkakamot kung kakayanin, at subaybayan ang iyong mga kagat para sa mga senyales ng impeksyon, kabilang ang mga paltos na may putting ibabaw o mga pantal.


Maaari bang magdulot ng iba pang mga problema ang mga kagat ng pulgas?

Para sa mga tao, napakaliit ng panganib na magkaroon ng iba pang sakit mula sa pulgas. Gayunpaman, hindi ito totoo pagdating sa iyong mga alagang hayop.

Napakahalagang dalhin sila sa isang beterinaryo kung mayroon silang mga pulgas.


Paano ko malalaman kung may mga pulgas sa bahay ko?

Kung mayroon kang alagang hayop sa iyong bahay, malamang na alam mo kung saan mismo makikita ang mga pulgas.

Mas gugustuhin ng mga pulgas na manirahan sa iyong alagang aso o pusa, ngunit maaari din silang mamugad sa iba pang hayop, o kahit sa iyo. Kapag dumami sila, maaari rin silang kumalat at magsimulang mamugad sa mga karpet, kumot, o sa iyong bakuran.

Madaling mapansin ang malubhang pamumutiktik ng mga pulgas. Subukan mong lumakad sa iyong karpet na may suot na puting medyas. Tingnan mo ang iyong medyas pagkatapos. Kung makakakita ka ng maliliit na itim na insekto, malamang na mga pulgas iyon.

Continue Reading: Ano pinaka-mabisang gamot sa Pulgas? Ano lunas?

Continue Reading: Pwede pa rin ba magkaroon pulgas kahit walang aso?

Continue Reading: Ano ang garapata at sintomas at mga sakit nadudulot?

Continue Reading: Ano mabisang gamot sa garapata? Paano ito maiwasan?


About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.