Mga Butlig at Bukol sa Ari: Mga Sintomas ng mga Impeksyong Naipapasa sa Pamamagitan ng Pakikipagtalik at mga STD sa Batang Babae, Kababaihan, Kalalakihan

Medical Team
is a Medical expert in United States

Sa isang punto ng iyong buhay, maaari kang magkaroon ng butlig o bukol sa bahagi ng iyong ari. Ang mga pamamagang ito ay maaaring hindi nakakasama, o sa kabilang banda, ang kanilang pagsulpot ay maaaring senyales ng mas malalang kundisyon.

Kung ikaw ay nababahala, kausapin mo ang iyong doktor. Kung ikaw ay isang babae, pupwede mong tanungin ang iyong gynecologist. Maraming mga butlig at bukol sa bahagi ng ari ang hindi dapat isinasantabi.


Ang dalawang tipo ng bukol at butlig
na hindi dapat isinasantabi ay ang kanser ng balat at mga impeksyon. Pareho
silang maaaring humantong sa mas malalang kundisyon kung hindi papansinin.
Mayroon din namang mga butlig sa bahagi ng ari na hindi nakakasama at hindi
kinakailangan ng paggagamot.


Kanser sa Balat

Ang kanser sa balat sa bahagi ng ari
ay lubhang pambihira sa mga kabataan, ngunit hindi rin imposibleng mangyari.
Kung mayroon kang nakitang maitim na bahagi na tuloy-tuloy na lumalaki,
maaaring iyon ay Melanoma. Ang tipo ng kanser sa balat na ito ay nakamamatay kapag hindi nagamot. Ito ay maaaring magmukhang pantay at makinis at pupwede ring lumitaw sa bahagi ng balat na hindi nabibilad sa araw.


Mga Impeksyon

Ang mga impeksyon na maaaring magkaroon ng seryosong kahihinatnan kapag hindi nagamot ay ang kulugo sa ari, syphilis, at maaari ay herpes.


Ang mga kulugo sa ari (madalas maramihan) ay maliliit na bukol na kakulay ng balat. Maaari silang mawala, manatiling di nagbabago, o dumami. Nakakahawa ang mga ito at nagmumula sa human papilloma virus (HPV), at nakitang may kinalaman sa kanser sa cervix sa mga kababaihan.


Ang HPV ay ang pinaka-karaniwang impeksyon na naipapasa sa pamamagitan
ng pakikipagtalik. Sa kabutihang palad, mayroon nang bakuna para sa HPV na inirerekomenda para sa lahat ng mga babae, at posibleng para sa mga lalaki sa hinaharap. Magandang makuha ang bakuna para sa HPV sa pinakamaagang panahon, bago ka pa maging aktibo sa pakikipagtalik, ngunit hindi kailanman nagiging huli ang lahat.


Kung tingin mo ay mayroon kang mga kulugo sa ari, kailangan mong kumonsulta sa ob-gyn (kung ikaw ay babae) at sa dermatologist (kung ikaw ay isang lalaki).


Ang Syphilis ay mukhang sugat at maaaring lumitaw sa bahagi ng ari o sa mga labi at bunganga. Ito ay isang bacteria, kaya maaari itong gamutin gamit ang antibiotics. Lumilitaw ito bilang sugat at kalaunan ay mawawala sa loob ng ilang linggo. Gayunpaman, hindi ibig sabihin nito na magaling na ang impeksyon. Nandoon pa rin iyon at kailangang magamot. Kung hindi, maaari kang magkaroon ng malalang problema.


Ang Herpes ay mahahapding paltos sa bahagi ng ari. Bagama’t hindi sadyang mapanganib, ang pinakamalaking problema ay ang posibilidad na bumalik ito sa parehong bahagi nang maraming beses. Ang ilang tao ay sinusumpong nang isang beses kada buwan. Ito ay nakakahawa at maaaring maging problema kapag nagbubuntis.

Mga Hindi Nakakasamang Butlig

Maaari ka ring magkaroon ng mga butlig sa bahagi ng ari na hindi naman nakakasama. Kabilang dito ang mga cyst, angioma, at mollusca.

Ang mga Cyst ay madilaw na biluging bukol sa ilalim ng balat, na parang maliit na bola o bato na madaling igalaw-galaw. Ang mga ito ay maaaring lumaking dahan-dahan, ngunit sa kabuuan ay nananatili ang anyo at hindi nagdudulot ng anumang problema. Kadalasan ang mga ito ay dulot ng bumarang mga hair follicle. Hindi ito nangangailangan ng anumang gamutan.


Ang mga Angioma ay maliliit na koleksyon ng mga ugat na kulay pula o may pagkalila. Hindi ito lumalaki o dumudugo. Hindi rin ito nangangailangan ng gamutan.


Ang mga Mollusca ay dulot ng virus, at napupunta sa bahagi ng ari sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa taong mayroon nito.


Ito ay madalas na kakulay ng balat, maliit (nasa isa hanggang dalawang millimeter ang laki). Nawawala ito paglipas ng panahon, ngunit maaaring umabot ng hanggang tatlong taon.


Kapag ikaw ay nagkaroon nito, kailangan mong kumonsulta sa iyong doktor at sumailalim sa pagsusuri para sa posibilidad ng iba pang sakit na naipapasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik, tulad ng HIIV, syphilis, chlamydia, at hepatitis.


Bakit kumakati ang ari ko?

Bakit may bukol ako sa bayag?

Bukol sa singit, genital area: Ano kaya ito?

Ano ang Genital Herpes? Buni sa ari

 


Gamot at lunas sa nangangating ari

 

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Shan Cervantes
is in Asia/Pacific Region
may butlig butlig na lumalabas sa aking ari ngunit Hindi ito masakit ay maliliit ang nga ito
Shan Cervantes
is in Asia/Pacific Region
may butlig butlig na lumalabas sa aking ari ngunit Hindi ito masakit ay maliliit ang nga ito
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
may natubo din sakin na bilog bilog na maliliit pero hindi masakit
Ron Anonymous
is a AA in the Philippines
hi, kahpon napansin akong bilog na maliit sa loob ng balat ng aking ari. to describe it parang may bering/bolitas, wala naman po ako nararamdaman na masakit or anything pag pinipisil ko siya. should i worry for something? thanks
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.