TOP 50 PINOY JOKES PINAKA NAKAKATAWANG BEST FILIPINO TAGALOG 2019: Ano Biro, Tuksuan, Harutan, Landian, Tanggal Stress

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Magbasa ka lang dito at malilimutan mo na ang iyong problema. Siguradong tatawa, ngingiti o hahalakhak ka ng malakas kapag nabasa mo ang mga BEST jokes ng mga Pinoy. Mayroon ding jokes at hugot lines tungkol sa pag-ibig:

Jokes sa mga kabit o may kalaguyo

Jokes o biro ng mga teacher at estudyante

Best Hugot lines Jokes na patama sa Crush 2018 at

Jokes at Hugot lines sa mga sawi sa pag-ibig 201

Ang mga nakatalang top 50 ay iba’t-ibang kategorya, tungkol sa skol, sa mag-asawa, magsyota, mag-ama, magkumpare at mga kalokohan ni Juan. Sabi nga nila “laughter is the best medicine”, tiyak matanggal ang kulubot ng inyong mga mukha. Ibig sasabihin ang pagtawa ay nakakabata. Sa ngayon ito muna ang ipopost ko pero magdagdag pa ako sa susunod.


1. BIRD OF PRIEST

Isang araw nawala ang bird ng pari, dahil sa sobrang mahal niya ito nanawagan siya sa kanyang misa.

Pari : Anyone got a bird?

Lahat ng mga lalaki tumayo.

Pari : I mean, anyone seen a bird?

Lahat ng babae tumayo.

Pari : I mean anyone seen my bird?

Lahat ng madre tumayo.

 

2. THERMOMETER

Nars : Doc bakit po may thermometer kayo sa tenga?

Doktor : Naku! Kaninong pwet kaya ng pasyente naiwan ko ang ballpen ko.

Nyahahahahaha.

 

3. YAYA AT ANG ALAGA

Alaga : Yaya look, boats!

Yaya : Dows are not boats, dey’re yatchts.

Alaga : Yaya, spell yatch

Yaya : Yor rayt, they are boats.

 

4. BARBER SHOP

Barbero : Sir, anong klase gupit po?

Lalaki : Yung uka-uka, masagwa at hindi pantay.

Barbero : Sir anu po yun? Hindo ko alam yun.

Lalaki : Anung hindi, ganun ang ginupit mo sa akin last time!!!

 

5. MISTER NAGYAYA SA MISIS

Mister : Honey, pwede ka ba ngayon?

Misis : Hindi, pagod ako!

Mister : Is that your final answer?

Misis : Final answer!

Mister : Can i call a friend?

 

6. JUAN IN ENGLISH SUBJECT

Teacher : Juan, give me a sentence.

Juan : My teacher is beautiful, isn’t she?

Teacher : Very good!! Please translate in Tagalog.

Juan : Ang aking guro ay maganda, hindi naman di ba?

 

7. JUAN NAKAKUHA NG 99% SA EXAM

Teacher : Ang score ni Juan sa exam ay 99%.

Juan : Ohh anu!!! Kaya niyo yan? Hindi pa ako nag-rereview nyan. Huwag na kayo mag-aral kung ako sa inyo umuwi na lang kayo. Low IQ!! Mga utak manok kayo! Nangingitlog na naman kayo, sinasayang niyo lang tuition niyo. (mayabang na sabi ni Juan sa kanyang mga kaklase).

Teacher : The rest 100%

 

8. ANAK SA LABAS (pinoy jokes)

Pedro : pare anung gagawin mo kapag nalaman mong may anak ka sa labas?

Juan : huh?? Anung klaseng tanung yan pare? Syempre papasukin ko sa loob ng bahay.

 

9. NAWALANG BATA

Nanay : Oh! Anak kahit anu mangyari huwag kang bumitaw sa pagkakapit sa palda ko.

Mahigit ng isang oras ng mapansin ng nanay na wala na ang kanyang anak.

Nanay : Manong may nakita po ba kayong bata?

Sekyu : Ano po ba ang itsura.

Nanay : May dalang palda po.

 

10. YAYA NAGPAALAM SA AMO

Yaya : Ma’am magpapaalam po sana akong magbaksayon sa aming probinsiya.

Amo : Oh sige, nakapagpaalam kana ba sa sir mo?

Yaya : Nauna na po siya, doon na lang daw po kami magkikita.

 

11. GLOBE

Lalaki : Miss, Globe ka ba?

Babae : Ay alam ko na yan, kasi ako lang ang mundo mo.

Lalaki : Makikitext lang ako! Tanga! ang landi mo.

 

12. HARLEM SHAKE

Pedro : Tara pare, harlem shake tayo.

Juan : Ay!! Ayoko.

Pedro : bakit naman?

Juan : baka mahal eh, coke float na lang.

 

13. PIZZA TIME

Si Juan umorder ng pizza

Clerk : Sir ilang slice po ang gagawin naming sa pizza mo, 6 or 8?

Juan : 6 slice na lang, baka hindi ko maubos kapag 8 kasi.

 

14. SIKAT NA SI MANNY PACQUIAO

Pedro : Alam mo pare sobrang sikat na talaga sa Manny Pacquiao noh?

Juan : Bakit naman pare?

Pedro : bumili kasi ako ng brand new cellphone, may option na send to many.

Juan : Ang bobo mo talaga, matagal nay an ngayon mo lang napansin? Hindi naman nagrereply yan eh.

 

15. MUKHANG MAGSASAKA

Bf : Kainis si Juan, mukha daw akong magsasaka kapag katabi kita.

Gf : Hahaha, huwag muna pansinin,nag bibiro lang yun. Bakit niya naman daw nasabi?

Bf : Kasi mukha ka daw kalabaw.

 

16. MILYONARYO

Teacher : Class imagine niyo na kayo ay MILYONARYO, isulat niyo sa papel ang inyong mga activities.

Students : Yes Ma’am...

Teacher : Juan bakit hindi ka pa nagsusulat?

Juan : Ma’am, inaantay ko pa po ang secretary ko.

 

17. JUAN SA BUS

Juan : Nay alam niyo pinatayo ako ni itay sa bus kanina kasi may pinaupo siyang babae.

Nanay : Anak magandang asal yun.

Juan : Kahit nakakandong po ako kay itay?

 

18. SAD STORY

Gf : Babe, mamaya na tayo magchat kasi ingungudngod na daw ni papa ang mukha ko kapag hindi pa ako umalis dito.

Bf : Ayoko pa gusto pa kita kausap.

Gf : Babe mamaya na, baka ingudngod na ako dito ni tatay sa...mawdjkhsh vldhfdeifcjcisjlo hsdhhdhcliosdhjklj klhsdhldhkdshcjkdshd bbmbmbnmbbbbm bbbwbeakbdjbj bmbmuuwa,mabm

 

19. PANTY NI MISIS (pinoy jokes)

Dalawang magka officemate nag-uusap sa loob ng opisina.

Juan : Mauna na akong umuwi pare at gustong-gusto ko na HUBARIN ANG PANTY ng misis ko.

Pedro : Wow! Pare, sobrang hot na hot ka ngayon ah.

Juan : Hindi noh! Sobrang masikip sa akin eh!

 

20. DIARY NG PANGET

Dear Diary,

I’m so happy talaga. Nahuli kasi ako ng crush ko nakatingin sa kanya. Minura niya ako, oh my gosh! Narinig ko na din ang boses niya. Ang gwapo niya talaga, minsan nga tinulak niya ako, dumugo ang ilong ko kasi sinadya ko siyang banggain, nakakakilig diba? At least nagkadikit ang aming katawan. Lumapit siya sa akin at humingi ng picture ko, ipapasalvage niya daw ako, so sweet!! At ang pinaka the best pa, sabi ko sa kanya “love you”, sagot niya “puck you”, shet na-horny ako. Hahahaha

 

21. ANG MADRE AT ANG SAKRISTAN

Madre: Iho, anu ang apelyido mo?

Sakristan : Alam niyo na po yun sister, ang lagi niyo hinahawakan.

Madre : Susmaryosep! BAYAG ba ang apelyido mo?

Sakristan : Sister naman, Rosario po.

 

22. BATANG MATIGAS ANG ULO

Isang araw may isang batang lalaki na ubod ng kulit. Kahit Anung gawin ng ama hindi pa din ito tumitino. Sa sobrang galit ng ama pinasok sa sako ang anak at binitin sa sanga ng puno.

Bata : Tay!

Tatay : Ano? (naawa sa anak)

Bata : Taaaaayyy!!!

Tatay : (Lumapit sa sakong nakabitin) Ano??? Magbabago kana ba?

Bata : Paki swing naman...

 

23. MISIS NAGPABILI SA MISTER

Misis : Hon, wala na akong bra, bilhan mo naman ako

Mister : Hon, huwag kana magbra kasi maliit lang naman ang dede mo.

Misis : Eh! Bakit ikaw nagbebrief??

 

24. KURTINA

Tindera : Sir, bili na po kayo ng kurtina..

Juan : Ale, pabili nga ako ng isa, para sa computer ko.

Tindera : Sir, bakit po para sa computer niyo?

Juan : Ang computer ko kasi may windows eh!!

 

25. ANTIQUE VASE

Si Juan nakabasag ng malaking vase sa museum, nataranta ang attendant.

Attendant : Naku po sir, more 50years na po ang vase na yan.

Juan : Hay! Salamat naman, akala ko kasi bago eh!!

 

26. BOOBS (pinoy jokes)

Misis : Sweety, may mga kaibigan ako na nagpa-enhance ng boobs, gusto mo magpadagdag din ako?

Mister : Ewan ko, parang hindi ata bagay sayo ang tatlong suso.

 

27. DALAWANG ESTUDYANTE SA LOOB NG CLASSROOM

Naiwan sa classroom ang dalawang estudyante (babae at lalaki)

Lalaki : Wala na ang mga classmate natin, tayo na lang ang naiwan dito. Anu tara?

Babae : Anong tara?

Lalaki : Sus!! Anu bay an bilisan mo na!!

Babae : Ahhh, ganun! Bakit dito? Sige na nga! (nagmamadaling nagtanggal ng uniporme). Tara na....

Lalaki : Ohhh!! Bakit ka nakahubad?? Tara uwi na din tayo!! Tanga!!!

 

28. SEX WITH GHOSTS

Teacher : Sino sa inyo nakaexperience having sex with GHOSTS?

Itinaas ni Pedro ang kanyang kamay..

Teacher : Talaga!?? Ano feeling having sex with ghosts??

Pedro : Ay Putcha!!! Akala ko goats.

 

29. GF KINAPKAPAN NG BF

Isang gabi habang naglalakad sa park ang magsyota.

Girlfriend : Love, ihi muna ako ha.

Boyfriend : Dyan ka na lang sa damuhan umihi, madilim naman eh.

Habang umiihi kinapkap ni boyfriend ang legs ni girlfriend, nang may makapang mahaba sa gitna nito.

Boyfriend : Putcha!!! Bakla ka??

Girlfriend : Sira!!! Nagbago na ang isip ko..Tumatae na ako.

 

30. VAMPIRE IN RESTO (pinoy jokes)

Rich Vampire : Waiter, order ako ng fresh blood.

Ordinary Vampire : Sa akin isang order ng dinuguan.

Poor Vampire : Waiter, sa akin hot water na lang.

Waiter : Huh! Bakit hot water lang po?

Poor Vampire : Nakapulot kasi ako ng napkin sa kanto, mag-tsaa na lang ako.

 

31. MAGIGING DADDY

Misis : Love, malapit na tayong maging tatlo dito sa bahay.

Mister : Talaga love?? Magiging daddy na ako?

Misis : Hindi love, dito na titira nanay ko.

 

32. BOY PAASA

Girl : Gusto kita

Boy : Ganun ba

Girl : May gusto ka ba sa akin?

Boy : Wala.

Umiyak si girl habang paalis, hinabol siya ni boy at niyakap.

Boy : Hindi mo pa nga tinatanung kung mahal kita.

Girl : (nabuhayan) Bakit? Mahal mo ba ako?

Boy : Hindi rin! Sige iyak kana ulit.

 

33. HULI KA!!!

Girl : Sweety, nasaan ka?

Boy : Dito lang sa haws sweety nagpapahinga, patulog na din. Ikaw?

Girl : Nandito sa BAR, pinagmamasdan ka. Sige sayaw pa kayo ng babae mo.

 

34. WRONG SEND

Juan : (tinext ang syota) Break na tayo!

Tikla : (reply kay Juan) Huh? Bakit love? Huhuhuhu

Juan : Ayyy!! Sorry love wrong send lang. Love you

Tikla : ayyy! Akala ko ako! Hehehe.. okay lang love, love u more.

 

35. PICK UP LINE

Simon : Miss, talon ka na dyan!

Ana : Bakit naman?

Simon : Para mahulog ka sa akin

Ana : Ahhh!!! Ganun!!! Alam mo para kang manhole.

Simon : Naks!! Gumaganti ah. Bakit naman?

Ana : Tanga lang ang mahuhulog sayo.

 

36. ULAM SA LAMESA

Juan : Alam mo pare ang bait ng pusa namin.

Simon : Bakit naman pare??

Juan : Kahit na pinapabayaan lang namin ang ulam sa lamesa, hindi ginagalaw.

Simon : Wow! Ang bait nga, ano ba ulam niyo?

Juan : Asin..

 

37. TRANSLATE TO ENGLISH

Teacher : Juan, itranslate mo ito sa English.

Juan : Wat ma’am?

Teacher : Ang uwak ay hinang hinang naglakad.

Juan : The wak wak..weak weak...wok wok...

 

38. MABAIT NA ANAK

Nanay : Mare, swerte ko sa anak kong lalaki, ang bait.

Kapitbahay : Naninigarilyo ba sya?

Nanay : Hindi, mare.

Kapitbahay : Umiinom ba sya ng alak?

Nanay : Hindi din.

Kapitbahay : Pero umuuwi siya ng late?

Nanay : Hindi eh.

Kapitbahay : Tama ka nga, ang bait ng anak mo. Ilan taon na ba siya mare?

Nanay : Mag pitong buwan na siya bukas.

 

39. MASAKIT SA BUONG KATAWAN

Pasyente : Dok, kahit saan ako humawak masakit po.

Doktor : Anong ibig mo sabihin?

Pasyente : Kapag hinawakan ko ang balikat ko, ang sakit. Kapag sa tuhod ko, araayyy ang sakit din, kahit pos a ulo ko sobrang sakit.

Doktor : alam ko na kung ano ang problema, nabali ang kamay mo.

 

40. INIWAN

Pedro : Ang sakit sakit tol!! Iniwan niya ako.

Juan : Bakit? Saan ba dapat kayo pupunta?

 

41. MASAKIT ANG MATA

Pasyente : Doctor sa tuwing iinom po ako ng kape, ang sakit ng mata ko.

Doktor : Tanggalin mo muna ang kutsara sa tasa mo, bago ka humigop.

 

42. UMIIYAK DAHIL SA ELEPANTE

Pedro : Bakit ka umiiyak?

Juan : Namatay kasi ang elepante.

Pedro : Bakit alaga mo ba yon?

Juan : Hindi, pero ako ang huhukay para sa libingan niya.

 

43. TAMAD MAG-ARAL

Nanay : Anak, kamusta ang first day mo sa school?

Anak : Ibig sabihin po nay, babalik pa ako bukas????

 

44. SAAN GALING ANG ASUKAL

Teacher : Juan, saan probinsya ka galing?

Juan : Negros po ma’am

Teacher : Anung produkto meron sa negros?

Juan : Hindi ko po alam.

Teacher : Siyempre alam mo yun, saan kayo kumukuha ng asukal?

Juan : Humihingi lang po kami sa kapitbahay.

 

45. GOOD NEWS AT BAD NEWS

Si Juan nakatanggap ng tawag galing sa doctor.

Doktor : Meron akong ibalita sayong good news at bad news.

Juan : Anu po ang good news?

Doktor : May 24 hours ka pa na mabuhay.

Juan : Huh!! Good news na ba yan? Anu po ang bad news.

Doktor : Ang bad news, nakalimutan kitang tawagan kahapon tungkol dito.

 

46. MAPA NG PILIPINAS

Teacher : Jose, ituro mo sa mapa ang Pilipinas.

Jose : Ito po ma’am (sabay turo ng Pilipinas).

Teacher : magaling, mga bata sino ang nakatagpo ng Pilipinas?

Mga bata : Si Jose po ma’am.

 

47. TUMAMBLING SA SKOL

Anak : Tay, tumambling po ako sa skol.

Tatay : Di ba sinabi ko sayo na huwag kang tumambling kasi makita panty mo.

Anak : Hindi naman eh!! Nilagay ko kaya sa bag ang panty ko.

 

48. PAUTANG

Juan : Tol pahiram naman dyan 200 pesos.

Jose : 100 pesos lang dala ko tol.

Juan : Ohh sige!! 100 pesos na lang muna, basta may utang ka pa sa akin 100 pesos ha.

 

49. GUMAWA NG EKSENA

Nabalitaan ni Juan na may namatay sa kanto, dali dali siyang pumunta pero hindi niya makita ang namatay dahil sa dami ng tao. Gumawa si Juan ng eksena.

Juan: Tabi...tabi...tumabi kayo, kapatid ko ang namatay.

Agad na nagsitabi ang mga tao, hanggang sa nakita na ni Juan ang namatay...

...isang duguang unggoy...

 

50. DUMALAW SI GMA

Isang araw dumalaw si GMA sa mental hospital, pagdating na pagdating ni GMA pumalakpak agad ang mga pasyente maliban sa isa na nasa sulok.

GMA : Anung nangyari sa isang pasyente bakit hindi siya pumalakpak?

Doktor : Magaling na po kasi siya.


More top best pinoy jokes:

51. Mahal kita

Binata: Tandaan mo ang mga sasabihin ko sa iyo ha. 'Wag mong kalimutan, importante.

Dalada: Ah, bakit ano ba ang sasabihin mo?

Binata: Ah, mahal na mahal kita, lagi mong tandaan yan. Andito lang ako para sa iyo. Dito lang ako sa tabi mo palagi.

Binata: Ano natandaan mo ba? 

Dalaga: (kinikilig) Oo naman...

Binata: Mabuti naman. Paki sabi yan sa best friend mo ha. Salamat!



52. Guro: Pedro, ano sa Tagalog ng salitang 'foot'? 

Pedro: Ah di ko po alam ma'am e.

Guro: Ay sus, bata ka, simpleng English word lang di mo alam... Ang aso may 4 nito at ako may 2 nito.

Pedro: Ahhh.... Dede?



53. Ang Patatas

Mare1: Alam mo mars kapag nakita ko ang patatas, naaalala ko ang bayag ng mister ko.

Mare2: Ohh talaga!! Bakit kasinglaki ba ng patatas ang bayag ng mister mo?

Mare1: Hindi mars, ganyan kalibag!!!

 

54. Sino si Jose Rizal???

Teacher: Class, sino sa inyo nakakilala kay Jose Rizal? Ikaw Pedro?

Pedro: Hindi po teacher.

Teacher: Eh! Ikaw Simon, kialla mob a si Jose Rizal?

Simon: Hindi din po Teacher.

Juan: Baka nasa kabilang section yan teacher!

 

55. Pinoy Henyo- Kutsilyo

Juan: Tao ba to?

Pedro: Hindi.

Juan: Lugar ba to?

Pedro: Hindi.

Juan: Bagay ba to?

Pedro: Oo..oo

Juan: Ginagamit sa loob ng bahay?

Pedro: Oo..oo

Juan: Makikita sa kusina?

Pedro: Oo..

Juan: Matalim bai to?

Pedro: Oo..oo

Juan: Ginagamit pang-hiwa sa sibuyas, bawang at mga gulay?

Pedro: Oo…oo…oo

Juan: Pass!!!

Toink…..

 

56. May nagtitinda sa isang bahay ng “Ice for Sale”

Pedro: Pabili ng apo…

Juan: Ano?

Pedro: Kendi ng apo.

Juan: Wala.

Pedro: May softdrinks kayo?

Juan: Wala!!! Nakita mong Ice for sale lang ang tinda naming, kung anu-ano pa binibili mo. Tanga mo talaga..

Pedro: Ikaw ang tanga!! Alam mo naman na yelo lang pala tinda niyo nagtanong kapa kung ano bibilhin ko.

 

57. Condom

Amo: Inday huwag mong pakialaman ang condom naming ni sir mo ha!

Inday: Ma’am huwag po kayo mag-alala hindi po kami sanay gumamit ni sir ng condom.

Ouch….

 

58. Lasing sa Daan

Pulis: Hoy! Umuwi kana lasing ka..

Lasing: Hindi pa ako lasing noh!!

Pulis: Kilala mob a kung sino ako??

Lasing: Oo naman, pulis ka. Oh di ba kilala kita. Eh ako kilala mob a?

Pulis: Hindi..

Lasing: Ikaw ang umuwi, ikaw pala ang lasing eh…

 

59. Pedro Nabigo sa Pag-ibig

 Pedro: Grabe ang sakit tol, iniwan niya ako.

Juan: Huh! Bakit saan ba dapat kayo pupunta?

 

60. Braces

Pedro: Pre, bakit ka pala nakabraces?

Juan: Ah! Ba tol, pangait kasi ang ngipin ko kaya kailangan ayusin.

Pedro: Bakit ngipin mo lang nakabraces? Hindi ang buong mukha mo??

 

61. Panty ni Misis

Juan: Pre, mauna na akong umuwi sayo at gusting-gusto ko nang hubarin ang panty ng misis ko.

Pedro: Wow!!! Pare libog na libog kana noh!!!

Juan: Hindi pre, masyadong masikip kasi sa akin eh!!

 

62. Gf Nakipaghiwalay

Gf: Hindi na nagwo-work ang relationship natin, mas mabuting pang maghiwalay na tayo.

Bf: Huwag mo akong iwan parang awa mon a..

Gf: Sorry, pero break na tayo.

Bf: Sige! Kapag iniwan mo ako maglalaslas ako.

Gf: Sus!!! Magpatuli nga hindi mo kaya, maglaslas pa kaya!!! 

 

63. Si Juan at ang Kumpare niyang Unano

Juan: Pre, bakit hindi ka pala lumaki?

Unano: Baby pa lang ako ng mamatay ang mga magulang ko.

Juan: Huh!!! Anong koneksyon non?

Unano: Pre naman, wag ka naman tanga. Natural walang nagpalaki sa akin.

 

64. Balut Box

Juan: Tay, ano po ba ang balut box?

Tatay: Nak naman! Simple simple hindi mo Alam? Eh di lagayan ng balut.

 

65. Love na Love ako ni Tatay

Pedro: Tay sino ang mas mahal niyo? Ako o si nanay?

Tatay: Syempre, ikaw anak!

Pedro: Sabi ko na nga ba ako eh!

Tatay: Bakit mo naman nahulaan anak?

Pedro: Tuwing madaling araw nilalagyan moa ko ng kumot. Samantala si inay hinuhubaran niyo.

 

66. Bintana

Tanong: Bakit binubuksan ang bintana tuwing umaga?

Sagot: Natural na buksan kasi sarado. Magulat ka kung bukas na tapos buksan pa!

 

67. Marka sa Grado

Tatay: Nak, ano ang ibig sabihin ng “F” sa card mo?

Anak: fasado yan tay!

Tatay: Ah! Akala ko Ferpect eh!!

 

68. Sino si Jose Rizal

Teacher: Juan, kilala mo ba si jose Rizal?

Juan: Hindi po mam.

Teacher: Ikaw! Pedro kilala mob a si Jose Rizal?

Hindi din po mam eh.

Teacher: Simon, siguro naman kilala mo si Jose Rizal.

Simon: Naku! Mam hindi din po eh. Baka nasa kabilang seksyon po siya mam.

 

69. Ano ang Gagawin kapag Milyonaryo

Mam: Class, isipin niyo isa kayong milyonaryo. Isulat niyo ang mga gagawin niyo kapag sobrang yaman kayo.

Nagsimula ng magsulat ang mga estudyante, maliban kay Juan na nakatunganga pa din.

Mam: Juan, bakit hindi ka nagsusulat?

Juan: Inaantay ko pa kasi mam ang secretary ko.

 

70. Nanay Pinatawag sa Skul

Simon: Nay, punta ka daw sa skul bukas.

Nanay: Huh! Ano na naman bang kalokohan ang ginawa mo doon?

Simon: Ano??? Bakit ako tanungin mo? Baka ikaw, kasi ikaw ang pinatawag eh!

 

71. Pasahero sa Loob ng Dyip

Juan: Kuya magkano po ang pamasahe?

Tsuper: Otso pesos.

Juan: Naku patay limang piso lang ang pera ko dito. Ano kaya dapat ko gawin? ( Sa loob loob ni Juan, halatang kinakabahan na).

Maya-maya napansin ni Juan na duling pala ang drayber.

Juan: Aha! Alam ko. Ibibigay ko sa kanya ang apat nap iso kasi sigurado doble ang bilang niya. ( Tuwang-tuwa saad ni Juan sa sarili).

Ibinayad n ani Juan ang apat nap iso.

Drayber: Boos, kulang ang pamasahe mo.

Juan: Ha? Paano kulang? Ots pesos naman yan ah.

Drayber: Otso pesos nga. Dalawa kayo eh!!!

 

72. Late na naman si Pedro

Titser: Aba! Pedro anong oras na. Lagi ka na lang huli sa klase.

Pedro: Pasensya na po mam, trapik po kasi.

Titser: Feeling mo kasi ang tali-talino mo. Sino ang Pambansang Bayani natin, sige nga?

Pedro: Si Jose Rizal po.

Titser: Himala! Nakatsamba ka ah.

Pedro: Ikaw mam, kilala mo ba si Tanya?                        

Titser: Hindi, sino yon?

Pedro: Yan puro ka kasi turo at aral. Kabit yon ng asawa mo!

 

73. Unang Makasagot, Unang Makauwi

Titser: Kung sinuman sa inyo ang unang makasagot sa tanong ko. Maaari ng umuwi.

Bigla tinapon ni Juan ang kanyang bag sa labas ng pinto.

Titser: Kaninong bag yon?

Juan: Sa akin po mam. Bye mam, bye klasmeyt. See you tomorrow.

 

74. Teacher at ang Nanay

Titser: Misis, pinatawag ko kayo kasi salbahe ang anak niyo.

Misis: Alam niyo po, salbahe din yan sa bahay. Pero kahit kelan hindi ko naman kayo pinatawag.

 

75. Natinik si Pedro

Pedro: Nay natinik po ako.

Nanay: Ano?? Itong saging kainin mo.

Pedro: Nay, ganun pa din po eh. Ayaw matanggal po.

Nanay: Oh! Eto pa ang saging, ubusin mo yan.

Pedro: Andyan pa rin nay, kumakapit pa din.

Nanay: Halika nga dito. Ngumanga ka para masilip ko.

Pedro: Dito po nay sa paa ko!

 

76. Ang Lamok

Ben: Tay! Ang daming lamok

Tatay: Patayin mo ang ilaw para hindi ka makita.

Pinatay ni Ben ang ilaw. Bigla naman dumating ang mga alitaptap.

Ben: Tay!!! Andyan na naman ang mga lamok may dalang flashlight.

 

77. Huli sa Balita

Misis: Walanghiya ka! May kabit ka pala na 18 years old? Ang kapal din ng mukha mo.

Mister: Naku! Huli kana sa balita, 25 years old na siya ngayon.

 

78. Pari o Judge

Pedro: Ana, oras na ikinasal tayo. Saan mo gusto sa pari o sa judge.

Ana: Ay ang ingot mo naman Pedro. Syempre sayo, bakit irereto mo pa ako sa iba???

 
79. Erap Kinusap si Binay

Erap: Jojo, alam mo marami tayong pareho sa buhay.

Naging mayor ako - Naging mayor ka din

Nagustuhan nyo ba mga 2019 jokes dito? Mag-share din ng sarili mga jokes niyo at ng mga kaibigan ninyo, para maging masaya at positive vibes tayon lahat.

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Azis Camid
is a Preparatory Tutor in the Philippines
Can i copy your jokes for my assinment
Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines
Yes po
Maria Mapalad
is a none in the Philippines
can i copy this jokes for the assignment of my kids
Roy Lacson
is in the Philippines
hi beatriz..i find your jokes really great..if u can pm me some of ur other jokes.please
Ryan Calatrava
is a CSR in the Philippines
why i cannot copy pase?
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.