GONORRHEA: ANO SINTOMAS SENYALES NG TULO? MABISANG GAMOT AT LUNAS SA TULO o may lumalabas na dilaw at pananakit ng puson, Symptoms, Causes, gonorea, signs, treatment

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ano ang Gonorrhea o Tulo? Senyales, Signs, Pinakamatandang Sexually Transmitted Disease


Image courtesy: Penicillin cures gonorrhea, marked as public domain, more details on Wikimedia Commons

Isang nakakahawang sakit sa ari ang TULO o GONORRHEA (sexually transmitted disease). Nakukuha ito sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa isang taong mayroon nito. Napapasa ito sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa ari, puwet at bunganga (oral), kaya't nakakapagdulot ito ng impeksiyon sa ari, puwet at lalamunan.  Linggit sa kaalaman ng marami, isa sa pinakamatandang sakit na naitala sa kasaysayan ang tulo o gonorea.

Ang gonorrhea ay umaapekto sa lahat ng populasyon kahit anong lahi ka pa, edad, at estado ng pamumuhay. Ang iba pang tawag sa gonorrhea ay “the clap” or “drip” (tulo). Ang mga kababaihan ay mas mataas ang tsansa na makakuha ng sakit na ito sa ratio na 5 sa bawat 2 lalaki. risk factors such as new or multiple sex partners, or a sex partner who has a sexually transmitted infection, you should be tested for gonorrhea every year.

Dahil sa maraming parehas na sintomas, maaari rin na mayroon ang isang tao ng Chlamydia, na kahintulad ng Gonorrhea. Read more...

Ano Dahilan o Sanhi ng TULO? Causes at Transmission
Ang bacteria na Neisseria gonorhea ang sanhi ng Gonorrhea. Apektado ang kalalakihan at kababaihan, at ano mang lahi. Karaniwang nakakaapekto ang Tulo sa urethra, rectum / pwet o lalamunan. Sa mga kababaihan, ang gonorrhea ay maaari ring maka-apekto sa cervix. 

Nakakahawa ba ang Tulo sa baby? Mahahawa ba ang sanggol anak ko kung meron ako tulo?
Ang mga bagong sanggol ay maaari ring ma-infect sa panahon ng pagkapanganak sa kanila ng infected nila na ina. Sa mga sanggol, ang mata ang karaniwang naapektuhan. Pangkaraniwan ang tulo sa mga taong sa iba ibang tao nakikipagtalik, at walang masyadong pinapakitang sintomas. May mga kaso kung saan hindi nila nalalaman kung infected na sila. Hindi rin kinakailangan labasan o iputok ng lalaki para mahawa ang babae. Kapag hindi napagamot ang gonorrhea ay maaari itong magdulot ng severe pelvic infections at pagkabaog. Meron ring mga komplikasyon pagkalipas ng panahon tulad ng inflammation ng heart valves, arthritis, at eye infections.

Ano sintomas, senyales o palatandaan ng Tulo o Gonorrhea? Symptoms, Signs
Karaniwan na lumalabas ang sintomas pagkaraan ng 2 hanggang 5 araw, ngunit may mga kaso rin na umaabot ng 30 araw bago lumabas ang mga palatandaan. Maraming mga kaso kung saan hindi nagpapakita ng sintomas ang tulo. Ngunit kapag ang sintomas ay nagpapakita, apektado ng gonorrhea infection ang maraming parte ng katawan. Ganun pa man, karaniwan itong naglalagi sa genital tract. 

Parehas pwedeng mahawaan ang kababaihan at kalalakihan ng tulo o Gonorrhea. Kadalasan hindi nakikita ang sintomas sa babaeng pasyente. 

Ang sintomas ng gonorrhea sa mga lalaki ay masakit na pag-ihi, may parang nana na lumalabas sa ari ng lalaki, masakit at namamagang testicle.

Ang sintomas naman nito sa kababaihan ay dumaraming vaginal discharge, masakit na pag-ihi, pagdurugo sa gitna ng pagtatalik at matapos ang pagtatalik, masakit ang tiyan at pelvic pain.

Kapag ang ibang mga parte ng katawan ang apektado ng gonorrhea, kasabay rin ang mga sintomas nito tulad ng sa rectum. Ang mga sintomas ay pagkati ng puwit, parang nana na discharge sa rectum. Kapag mata ang problema, mayroong eye pain, sensitivity to light at eye discharge. Para sa gonorrhea na apektado ang lalamunan, may mga sintomas ng throat infection tulad ng sakit sa lalamunan at namamaga at masakit hawakan na lymph nodes (kulani) sa leeg. May mga bacteria rin ng gonorrhea na minsan ay napupunta sa kasu-kasuan. At ang resulta ay ang mga kasu-kasuan ay nagiging mainit sa pakiramdam, namumula, namamaga at napakasakit lalo na kapag ginagalaw.

Ano pinaka mabisang gamot o lunas sa Tulo? What are Medication, Cure, Remedy, Treatment for Gonorrhea?
Ang layunin ng paggamot sa Tulo ay upang  mawala ang  etiologic agent at upang maiwasan din ang paglaganap ng impeksiyon. Depende sa kaso ang pagpili ng antimicrobial therapy. Bukod dito, mayroon din mga ordinaryong pagkain na makakatulong daw sa paggamot ng Tulo. Halimbawa, isa na rito ang  Guyabano fruit. Ang katas na nakukuha sa guyabano ay maaaring inumin dahil mayroon itong natural na paggaling ng urethritis. Masustansya ito sa Vitamins C, B1 at B2, potassium at dietary fiber.

Ang mga taong may gonorrhea ay binibigyan ng antibiotics. Dahil dumarami ang strains ng bagong drug-resistant na Neisseria gonorrhea, ang Center for Disease Control and Prevention ay nagre-rekomenda na ang uncomplicated na gonorrhea ay gamutin lamang gamit ang ceftriaxone – na binibigay sa pamamagitan ng injection – at in combination sa azithromycin o doxycycline. Ang dalawang antibiotics na ito ay iniinom. Mayroon ring mga pagsasaliksik na ang pag-inom ng oral gemifloxacin (Factive) o injectable gentamicin, na in combination sa oral azithromycin, ay matagumpay sa paglunas sa gonorrhea. Ang ganitong gamutan ay para sa mga may allergy sa ceftriaxone. Kung ang iyong partner at ikaw ay may gonorrhea, pareho kayo ng natatanggap dapat na lunas. Kung ikaw ay nagkaroon na ng lunas mula sa gonorrhea at ang iyong partner ay hindi pa, maaari kang magka-reinfection o mahawaan ulit. Para sa mga batang pinanganak mula sa ina na may gonorrhea, binibigyan sila agad ng gamot para sa mata. Kapag may eye infection ang bata, binibigyan ito ng antibiotics.

Aside from this, with its antibacterial properties, mangosteen rind decoction is also helpful in treating gonorrhea and in getting rid of the symptoms.

Panghuli, ang pagiwas pa rin ang pinakamabisang lunas. Ugaliin na gumamit ng condoms (ngunit hindi rin 100% ligtas kapag gumamit ng condom) at iwasan makipagtalik sa hindi kilala. (Last reviewed: 26 March 2019)

Sources and References:

Centers for Disease Control and Prevention. (2014, January 29). Gonorrhea - CDC fact sheet. Retrieved from https://www.cdc.gov/std/gonorrhea/stdfact-gonorrhea.htm

Mayo Clinic. (2018, February 6). Gonorrhea. Retrieved from https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/gonorrhea/symptoms-causes/syc-20351774


Continue: Ano pinakamabisang pangontra o Gamot sa Tulo o STD?
Read more: Ano sintomas ng Chlamydia? 

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Pagkatapos makipagtalik ng walang proteksyon, gaano po katagal bago po ako magpasuri kung meron akong gonorrhea?
Medical Team
is a Medical expert in United States
Magpasuri kaagad kung sa palagay mo ay mayroon kang gonorrhea. Huwag nang idelay ang pagpapasuri. Maaaring ipayo ng soktor na bumalik pagkatapos ng dalawang linggo upang makasiguro sa iyong kalagayan. Maaari ka pa ding dumaan sa mga lab tests kahit na walang sintomas dahil isa sa sampung lalaki at kalahati ng mga kababaihan na may gonorrhea ay hindi nakakaramdam ng anumang sintomas. Maaaring umabot hanggang sampung araw bago makita ang gonorrhea infection. Magpasuri tatlong araw pagkatapos ng pakikipagtalik ng walang proteksyon at bumalik pagkatapos ng dalawang linggo upang makasiguro sa iyong diagnosis. Kung mas mataas ang posibilidad na mayroon kang gonorrhea (halimbawa ay kung ang iyong sexual partner ay nasuri at positive sa gonorrhea), maaaring ipayo ng doktor na umpisahan kaagad ang iyong paginom ng gamot habang hinihintay ang resulta ng iyong test. Kung mas maagang malulunasan ang gonorrhea, mas mabilis ang iyong recovery at mas maliit ang tyansang magkaroon ng kumplikasyon.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Doctora, nag sex kami ng bf ko tapos kinabukasan ang dami lumabas na slightly yellow watery sa private part ko pero walang amoy but 6 days na may lumalabas sakin at nasa cycle date na ng menstration ko ano po kaya yun at ano po dapat inumin or gawin?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Kung meron po akong gonorrhea, mas mataas ba ang posibilidad na mayroon din akong ibang sakit na nakukuha sa pakikipagtalik o sexually transmitted infection?
Medical Team
is a Medical expert in United States
Karamihan sa mga taong may gonorrhea ay mayroon din ibang sakit na nakukuha sa pakikipagtalik tulad ng chlamydia. Apat sa sampung taong may gonorrhea ang mayroon ding chlamydia. Kung ipinayo ng doktor na magkaroon ng iba pang mga tests maliban sa gonorrhea, mas mabuting sundin ang payo ng doktor. Napagalaman din na ang mga taong may mga STI o sexually transmitted infection ay tumataas ang tyansa ng sampung beses na magkaroon din ng HIV o human immunodeficiency virus. Ang mga pagsusuri kung mayroon kang STI at ang paginom ng mga iniresetang gamot ay mabibigay ng proteksyon laban sa mga kumplikasyon ang maiiwasan ang pagpasa ng infection sa iba.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Kelangan ko po ba magpa-test ulit pagkatapos inumin ang mga gamot na riniseta sakin ng doctor laban sa gonorrhea, para masiguradong wala na po akong sakit?
Medical Team
is a Medical expert in United States
Kinakailangan masuri ulit ng doktor ang iyong kalagayan upang masiguro na wala na ang iyong infection. Ang mga bacteria na sanhi ng gonorrhea ay hindi na lubusang namamatay ngayon gamit ang mga antibiotics. Ang ibig sabihin nito, mas mahirap nang gamutin ang ganitong infection. Dahil dito, ang ipapayo ng iyong doktor ay bumalik pagkatapos mong mainom ang mga gamot na kanyang inireseta upang makita kung nawala na ang iyong infection. Ang mga iba pang dahilan upang bumalik sa iyong doktor ay ang mga sumusunod:
• Hindi nawawala ang mga sintomas kahit na umiinom na ng mga gamot
• Ang pagkakaroon ng gonorrhea infection sa iyong throat o lalamunan
• Pagka-buntis
Mahalagang pumunta sa iyong doktor pagkatapos inumin ang mga gamot. Mas mataas ang tyansang maipasa mo ito sa ibang tao kung ang unang medical treatment ay hindi naging epektibo.
Cutie Cute Cute
is in the Philippines
Nhhrapn po ko.. Doc.. Anupo ba dpt ko gwin un ka live in partner ko meron tulo po kc at nlbsn sia nana tpos mskt ang pag ihi uminom sia antibiotic..tpos nwla na ..peo ako nman meon.. Pero dpania masure kung wla nasia.. ...
Aira Santos
is in the Philippines
hi magtatanong lang po ako ..nakailang pagtatalik na po kami ng bf ko pero palagi po akong dinudugi..ano po ba ang ibig sabihin nun?meron din po akong discharge sa aking ari na hindi ko gusto ang kulay parang yellowish ..meron din po akong singaw sa ialalim ng dila..at mainit ang aking pakiramdam..
Aira Santos
is in the Philippines
natatakot po kase ako baka po kase my tulo ako..ano po gagawin ko?
Medical Team
is a Medical expert in United States
Magpatingin ka kaagad sa doctor/ob gyn, at para mabigyan ka ng STD screening tests for gonorrhea, chlamydia (http://www.buhayofw.com/medical-advice/sexually-transmitted-diseases/chlamydia-at-std-sintomas-gamot-lunas-cures-535f2bc85408b)o kung ano matukoy ng doctor. Kadalasan bibigyan ng antibiotic para gamutan ang sakit. Kapag hindi nagamot ang gonorrhea at ibang STD, maaaring magdulot ito ng ibang komplikasyon at pagkabaog. Kaya pinakamabuti na magpatingin ka kaagad. Take care
Panda Jasper
is in the Philippines
Hi. May tanong po ako. Pwede po bang umabot ng 2 weeks bago makita ang signs ng tulo? Please reply asap
Medical Team
is a Medical expert in United States
Kadalasan 2-5 days bago umpisa lumabas ang sintomas, pero maaaring umabot hanggang 30 days bago lumabas ang sintomas. Pinakamabuti ang magpa-test kaagad. Take care
Panda Jasper
is in the Philippines
Doc pwede po ba gawin yung mga bagay na halimbawa mag exercise like jogging at mag gym pag merong tulo??
Erick Aguilar
is in the Philippines
dra pwede rin po bng mgktulo ang baby?o infection lng sa mata ang mangyayari?nkitaan po kc ng std ung asawa q..please help me dra..at pwede p rin po b xang mgpasuso sa baby khi my std xa?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
good day dok!
may tanong po ako. may nakatalik ako pero di ko pinasok sa butas nya, orally lng yung ginawa nya. after 3 days po, may nararamdaman po ako na parang flu. after that 3 pala nag inuman kami ng mga barkada ko for 2 consecutive nights. tapos wala akong maayos na tulog. after sa 2nd night ng inuman. pagka morning, doon ko na po naramdaman ang pananakit sa pag ihi at sumabay yung pasakit sa rectum. kahapon nung july 21 hindi maganda pakiramdam ko, ngaun july 22, nagka flu na ako. pero same symptoms parin, pero wala pong lumalabas na nana hanggang ngaun.
pero matagal na rin kumakati yung puwet ko, pero di namn masakit sa pag ihi noong hindi pa kmi nagtatalik ng GF ko. tulo na po ba ito ngaun? ika 3 araw ko na po ngaun ito nararamdaman. salamat
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hi doc tanung ko po pano po kung di alam na my tulo.. tapos ang sakit na Ito ay umabot na ng 3years at doon lang nalaman sa sakit pala ito. At namamaho nadin po.. possible pa po ba na magamot pa ito.?.
Rejohn Badilla
is in the Philippines
dok mron poh ako sakit na kong tinatawag nila tulo pag hidi poh vah ito na agapan pwidi poh ba itong humantong sa malalang sakit gaya ng HIV?
Rejohn Badilla
is in the Philippines
natatakot na po kasi ako magkaroon ng HIV...
Rejohn Badilla
is in the Philippines
Nakuha ko po ito kc nakipagtalik ako sa kapwa ko lalaki....
Christian Grey
is in the Philippines
after po naming magtalik ng partner ko nag se-swell po ung ari ko. at may pa balik2 na kati sa bandang pisngi ng pwet ko na hndi maaalis, akala ko fungal infection lng kaya nilalagyan ko lng ng fungal cream pero pa balik2 pa rin. may dapat poh ba ako ika bahala?
Anonymous Cute
is in the Philippines
GoodAfternoon. Nakipag 'MSM' Po Ako At Kinabukasan Ay Nakaramdam Ako Nang Pag hapdi sa Tuwing Ako Ay iihi At Sumunod Na Araw Ay Napansin ko Na Lamang Na May Lumalabas saking Nana. At Tumagal ng Dalawang Linggo Bago Ako Nakapag pa CheckUp sa Doctor Dahil Sa Nahihiya Ako, 17 years old palang ako. At ng mag Pacheckup Ako Nag "POSITIVE FOR GRAM(-)Inra and Extracellular Diplococci" Ininjection ako samay Bandang Puetan at nirisetahan nang Doxycycline. kinabukasan Ay Medyo Nakakaramdam ramdam nako ng maluwag na pag ihi at umimpis na ang parang kulani neto. After two Months Nag txt ako sa Doctor na pinag pacheckup pan ko At tinanong nya Ako kung May Nana Pabang Nalabas At Sinabi ko Na wala nakung Nararamdaman pero may parts na medyo masakit yung ugat. at sabi nya ay wala yan at magaling kana.

-Magaling Na Po ba? Ako pag hindi na nakakaramdam nang kahit naong sakit at hndi na nag nana
-Dapat paba Akung Mag pa lobarotory test para Makasiguro
-Malala Po Ba Ang 'POSITIVE FOR GRAM (-) Intra and Extracellular Diplococi
-Puede po ba Itong Mauwi sa HIB/AIDS
-Hindi Na po Ba ito Maailis sa katawan ko Or Nakakatatak na ang Tulo
-Posible bang Mahawa Ang Makakasiping ko kahit na magaling nako
-Kailangan ko po bang mag pa Lobarotory Mag pa HIB TEST VDRL Urethral gram stain
-Kapag Nag ka 'INTRA AND EXTRACELLULAR DIPLOCOCCI' ay posibilidad ba na mag karoon din nang HIB?Aids
-Virus po ba ito?
--

Labis Lang Po Akung Naguguluhan Dahil Sa Ako Ay 17 pa lamang

Salamat Doc
Anonymous Cute
is in the Philippines
Dr. Bakit Po Ako Ay POSITIVE Samantalang Yung Partner ko Ay Negative Samantalang Sya Palang Ang Una ko. May mga ganun po ba tlaga "MSM'
Cher Manuel
is in the Philippines
ano po yung lumalabas na amoy ? as in mabahong amoy. tas after po namin magtalik ng boyfriend ko may lumalabas po na dugo. possible po ba na meron akong gonorrhea ?
Nino Medina
is in the Philippines
Doc may nana na lumlabs s ari ko tpus ininuman ko ng antibiotics nawla sya tpos ngpachekup ako ang sv ng dr. Uti lang.tpos binigyan ako ng gmut n cotri 800mg.2days ko n sya iniinum.tpus ngayun yung ari ko lgi ng makati.normal lng po b yan o isa s mga sign ng gonorrhea?
Cutie Cute Cute
is in the Philippines
Hi... Po..tanung kulang po meron po ko std..symptoms at ung lalamunan ko po.. Eh me butlig butlig.. Tpos.. Mskit pa.. Un smay leeg ko po... Anu po ba maari ko gwin
Cutie Cute Cute
is in the Philippines
Pag po lumunok ako nhhrpn ako tpos po.. Un ari ko po may tatlong butlig nasbi ni doc na pinagpachek up an ko ay kulugo daw na mkti sobra lalo na pag knmot ko mahapdi po..anu po ba dpt ko gwin
J R
is in the Philippines
ate, parang HPV po iyan, mabuti pang magpacheck ka ulit
Robert Alaya
is in the Philippines
doc ok lng po b na uminom ako ng cloxalline ? antibiotic po un db ? 2wiks mahigit n po kc akong merong tulo eh
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
doc, kapag po ba ang sperm ko ay naging kulay dilaw, ibig sabihin po ba nun ay may tulo na po ako?
Aaron Beltran
is in the Philippines
ask ko lang po ,may gonorrhea test po ako, non reactive naman po ito... then mejo nadala lang ng tawag ng laman same day, nag pa blow job ako noon.. 4days naramdaman ko na may something sa pag ihi ko parang may pain akong nramdaman pero nde ko nmn masyadong ramdam kasi parang sa biglang ihi ata un.. then nag ptuloy pa un a week medyo ok naman na kaya lang nag ddischarge ako ng yellow sa white brief ko, akala ko lang mantsa pero inobserbahan ko na mag suot ako ng brief na walang ano mang bakas at ito ay malinis, kinabukasan meron tlgng dscharge ng yellow, san ko kaya ito nakuha at ano po ba ung nangyyare saken? salamat doc.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
tanong ko lang po. about sa sakit na tulo, nagkaroon po kasi ako nung taong 2008, pero nagamot ko nman sa pag inom ng antibiotic. ngayon po, nagtalik kame ng gf ko ilang linggo pa lang ang nakakalipas. ang sabi nia saken parang nagkaron sya ng tulo dahil prang may nana na lumalabas sa pg ihi nia at mabahong amoy. ask ko lang po kung may posibilidad po ba na saakin galing yon kht npakatgal ng panahon ng mgkaron ako nun at nagamot naman.alam ko po sa sarili ko na malinis ako dahil ngyon lang ulit aq nakipagse at sknya lng. at wla nman akong ibang nararamdamng kakaiba sa aking katawan ngyon. please pakisagot po ang aking katanungan.
Samuel Sabaw
is in Canada
Doc may STD po ako pumunta na ako sa Doctor pero nagtest lang po ako ng papsmer eh 6 month na po ata ako may STD na walang sympthoms tapos pinababalik nya ako after 1 week para para sa test kung anung klaseng STD meron ako eh doc kelngan ko na ng Antibiotic. Anu po ba gagawin ko lipat na lang ako iba doctor? kasi di ko na po mahihintay yung 2 weeks eh para magresetaham ng antibiotic.
Jay Jay Agustine
is a non-Filipino member from United Arab Emirates
Dok nag karoon ako ng discharge natakot ako kaya uminom ako ng zitromax 2 days 2 tablet nawala naman yung dicharge ko nandito kc ako sa dubai natatakot ako mag pa check up baka po may alam kayo na maaring mapag check up dito sa dubai for sure lang na wala na yung ifection akin until now almost 1 week na pong walang discharge na lumalabas sa ari ko. Male po ako.
Princess Sales
is in the Philippines
Ano po ba yung pwedeng inumin na gamot kapag nagkaroon ng ganyang sakit? Sa palagay ko po kasi ay mayroon akong gonorrhea dahil may mga discharge na lumalabas sa akin.
May Gablinez
is in United States
kailangan mong mag-pa-check up for them to assess which drug ang pwede. kasi may mga drug-resistant strains na bacteria.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Ano po ba yung pwedeng inumin na gamot kapag nagkaroon ng ganyang sakit? Sa palagay ko po kasi ay mayroon akong gonorrhea dahil may mga discharge na lumalabas sa akin.
James Carl Delo Santos
is a n/a in the Philippines
Doc., Magbabakasakali akong mapansin nyo tong comment ko.
Estudyante palang po ako, Gusto ko po malaman gano kalaki ang aabutin ng magagastos ko para sa pag papa check up at pag gagamot ng STI or STD .
Gusto ko po malaman para makapag handa ako ng budget . Maraming salamat po
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hello po..ano po ba ang pwedeng mangyari sa akin? Kasi po 8 months na ho akong nag susuffer sa sakit ko. Nakuha ko po eto sa pakikipagtalik ko sa isang lalake last April 9,2014 nagnanana po kasi ang pwet ko. Tapos d ko rin ho alam kung ano ang gamot dito. Nahihiya po kasi akong magpacheck up. Ano po ba ang gamot dito. Please txtback maawa naman kayo parang d ko na kaya.
Tapos kumakati ang pwet ko pagkatapos bigla nalang sasakit at hahapdi, nanghihina rin po ako at bigla nalang ako tinuboan ng mga tigyawat at my tumutubo sa paa ko na parang tigwat din.
Salamat po inaasahan ko po ang tugon ninyo.
Medical Team
is a Medical expert in United States
It could be HPV or Human papilloma virus infection. Please see you doctor to get tested.
You need to have it tested and get an exam by your physician. You can't tell for sure by guessing, google search or asking on a question forum. If it is HPV, it needs to be eradicated immediately, because once it spreads inside anal canal it is difficult to treat. Don’t be embarrassed to see a doctor. Your health is more important, and you can go to a clinic or hospital where your friends or relatives won’t see you. And there are different types of doctors you could go to to get tested, any internal medicine doctor, family practice doctor, ob-gyn doctor, urologist can test you.

See your doc and get tested.
Grace Lee Yang Molinas
is a non-Filipino member from the Philippines
hindi naman po masakit umihi pero may kaunti lumalabas na nana talaga kaunti lang po sya. tas
Ramon Tenorio
is a non-Filipino member from Saudi Arabia
Paano po kung parehas kayo ng partner mo ay wala namang sakit na tulo, pero pagkatapos ng ilang linggo ay nalaman mong may nana ang ihi ng babaeng partner pagkatapos nyang magpakonsulta. Saan nakuha ng babae ang sakit na un?
Ramon Tenorio
is a non-Filipino member from Saudi Arabia
Sabi sa kanya ng Doctor nung nagpatingin sya ay maaaring nakuha nya daw ito sa impeksyon sa panty liner? Tama po ba ito? Pwede bang makuha un kpag men's at gumamit ng panty liner?
May Gablinez
is in United States
kapag hindi napapalitan yes. yung opening ng babae is like an open wound.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
ano anong antibiotic po ba ang dapat inumin pag may tulo ang isang tao ????
Clifford Lacsamana
is a family driver in Saudi Arabia
nadededect po ba sa medical exam for abroad kung may std ka?ibig sbhin ba na kpag nka abroad ka at naipasa mo ang medical exam ay wala kang std?4months na po aq dito abroad at akoy nbabahala kung may sakit aq kc gumamit aq ng bayarang babae 8months ago,ngayon pa lng lumalabas ang mga palatandaan ng gonorrhea.
Anonymous Person
is in the Philippines
Kapag nagkaTulo po ba ako maaari po ba akong mag Gym?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Kapag po ba may tulo maari ko po bang gawin ang ilan sa mga excercises ko tulad ng paggiGym? Mga ilang araw po or weeks bago lumala ang sakit na Tulo? Dalawang araw ko napo kasi nakikita ang sintomas ng pagnanana pero di naman ako medyo nahihirapan umihi.
Nikko Arcega
is in the Philippines
Bakit po may parang puti na lumalabas sa ari ko?may tulo na po ba ako non? Hindi naman po ako hirap umihi?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Bakit po may puti na lumalabas sa ari ko?.hindi naman po ako hirap sa pag ihi?natatakot po ako baka nana po yung lumalabas..at saka matagal n po akong hindi nakikipagtalik?
Jess Sol
is in the Philippines
hi po ilang araw po ba malalaman kung may tulo ang isang tao?
Rose Parco
is in the Philippines
Doc.. may hydrosalpinx ako sa right tube. Ano po ba ang dahilan nito maliban sa STD? Malimit nahihirapan po akong tumae. .may almuranas din po ako. .
Rose Parco
is in the Philippines
Doc.. ang sabi po sa ultrasound ko ay tubulocystic irregular, anechoic,thin walled , hydrosalpinx measuring 3.2 x 1.5 x 1.5 cm. . Ano po ba ang ibig sabihin nito? Hindi na po ako nakabalik sa doctor dahil po sa kawalan ng pera? Ano po ba ang cause ng hydrosalpinx maliban po sa STd . .kasi matagal na po akong nahihirapa sa pagdumi. May almurabas rin po ako. Maraming salamat po
Rose Parco
is in the Philippines
Nasa right po ang hydrosalpinx ko pero sa kaliwa po sumasakit. .ano po ba ang ibig sabihin nito? MARAMING SALAMAT PO SA TULONG.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hello ma'am just lang po! hindi ko lang po sure kung Gonorrhea po ito . ano kasi masakit ang ulo tas para nanglalamig yung katawan ko minsan po sumasakit yung tiyan ko natatakot po ako magpa check up ano po dapat gawin ma'am? minsan naman din po makati yung pepe ko ibig sabihin po ba mayroon ako gonorrhea? Please ma'am help me hindi ko na kasi alam ang gagawin ko po. siguro dalawa araw na ito lumipas pero ngayon lang ako naka feel na sumakit yung katawan ko tas ulo ko Please response po agad kaayo. Thanks po.
Grace Lee Yang Molinas
is a non-Filipino member from the Philippines
Ma'am kasama po ba sa sintomas ang pagsakit ng ngipin at sakit ng ulo ang tulo doc?
Realyn Liwanagan
is in the Philippines
Posible po ba na matagal na ako infected ng ganorrhea pero ngayon lang ito nakahawa kahit palagi madalas kami magtalik ng asawa ko?
 SUgcawan Orina
is a non-Filipino member from the Philippines
Evss po dock..masakit ang pus on ko every 6 am morning po one year na po nkin tong dinamdam nag check up nman ako pero wlang findings. ..dock may tinatalik ako dati at nag karuuon po ako ang vigina ng rashes at makati ang vigina ko..at may mabaho na lumabas xking vigina pero ngayon dock kunti nlng ang kati dahil nag take po ako...dock ang pus on ko nalng ang problem ko ngayon
Mona Abapo
is in the Philippines
Hi doc, ask ko lang po natural lang ba sa isang babae ang laging labasan ng may pagka- yellow green yung ari at mabaho yung nalabas natatakot po kase ako baka may tulo ako kase iba yung kulay at baho ang nalabas sa ari kaya gumagamit ako lage ng panty liner. Tsaka minsan pag nagtalik kame ng bf ko eh nagdudugo nalang bigla maari po ba na magkakasakit ako ? Salamat :)
Sweet Angel Manaois
is in the Philippines
Doc asked ko lang po makikita po ba sa medical na nagkaroon ka ng tulo kahit magaling na ito ngayon? Salamat po
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
ask ko lang gumamit ako ng condom nung nakipag sex ako sa pokpok.. my possibility po ba na mahawa ako if meron man sya? 2 years na daw sya ng wowork duon..
Ching Trinidad
is a Nurse in the Philippines
Hello po! Ang paggamit po ng condom ay epektibo po para makaiwas sa HIV at iba pang mga STD na nakukuha sa mgo body fluids tulad ng chlamydia at gonorrhea. Ngunit mababa po ang proteksyon nito sa mga STD gaya ng HPV o genital warts, genital herpes at syphilis kung saan nagkakaroon ng skin to skin contact. May chance pa rin po na magkaroon kayo ng HIV kung condom lang po ang ginagamit ninyo bilang proteksyon. Kailangan tama po ang paggamit nito, kung saan dapat natatakpan ang buong ari. Piliin nyo rin ang condoms na yari sa latex o polyurethane condoms kung allergic po kayo sa latex dahil mapipigilan po nito masisalin ang HIV, hepatitis at Herpes virus. Itago rin po ang condom sa malamig at tuyong lugar dahil kung itatago po ninyo ito halimbawa sa bulsa kung saan medyo mainit ay humihina po ito at nababawasan ang bisa nito.
Ching Trinidad
is a Nurse in the Philippines
Hello po! Ang paggamit po ng condom ay epektibo po para makaiwas sa HIV at iba pang mga STD na nakukuha sa mgo body fluids tulad ng chlamydia at gonorrhea. Ngunit mababa po ang proteksyon nito sa mga STD gaya ng HPV o genital warts, genital herpes at syphilis kung saan nagkakaroon ng skin to skin contact. May chance pa rin po na magkaroon kayo ng HIV kung condom lang po ang ginagamit ninyo bilang proteksyon. Kailangan tama po ang paggamit nito, kung saan dapat natatakpan ang buong ari. Piliin nyo rin ang condoms na yari sa latex o polyurethane condoms kung allergic po kayo sa latex dahil mapipigilan po nito masisalin ang HIV, hepatitis at Herpes virus. Itago rin po ang condom sa malamig at tuyong lugar dahil kung itatago po ninyo ito halimbawa sa bulsa kung saan medyo mainit ay humihina po ito at nababawasan ang bisa nito.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Kapag mabaho ang ari ng lalake may posibilidad ba may tulo
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
HHh
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Doc..nagkaroon ako ng STD dati tapos after 1year may nakasex ako pero okay naman ang resulta ng sex namin dahil walang nangyaring hawaan..di nman kami nagcondom,,,5years ago na din na wala akong sex... may possible po ba na mabubuntis ako or hindi po,,ano ang dapat kung gawin para malaman ko na safe na ako..salamat..at ano po ang gawin ko para di na bumalik ang sakit at macure ng lubusan,,,salamat
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Mga ilang araw po kailangan inumin ang gamot? Gano po katagal?
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.